Gov. Dodo, Pinanguluhan ang RDC Calabarzon 2nd Quarter Full Council Meeting

Batangas Gender & Development Code, mas Palalakasin
June 9, 2017
1st Governor’s Cup Softball Championship, Simula Na
June 10, 2017

2nd Qtr RDC Calabarzon Full Council Meeting. Pinangunahan ni Batangas Governor at CALABARZON Regional Development Council (RDC) Chairperson Dodo Mandanas, ang press conference na ginawa pagkatapos ng 2017 2nd Quarter RDC Full Council Meeting noong ika-7 ng Hunyo 2017 sa Taal Vista Hotel, Tagaytay City, Cavite. Jenny Asilo Aguilera / Photo: Onin Castillo – Batangas Capitol PIO

June 9, 2017

2nd Qtr RDC Calabarzon Full Council Meeting. Pinangunahan ni Batangas Governor at CALABARZON Regional Development Council (RDC) Chairperson Dodo Mandanas, ang press conference na ginawa pagkatapos ng 2017 2nd Quarter RDC Full Council Meeting noong ika-7 ng Hunyo 2017 sa Taal Vista Hotel, Tagaytay City, Cavite. Jenny Asilo Aguilera / Photo: Onin Castillo – Batangas Capitol PIO

Pinangunahan ni Batangas Gov. Dodo Mandanas, CALABARZON Regional Development Council (RDC) Chairperson, ang 2017 2nd Quarter RDC Full Council Meeting noong ika-7 ng Hunyo 2017 sa Taal Vista Hotel, Tagaytay City, Cavite.

Kabilang sa mga tinalakay sa nasabing pagpupulong ang pangangailangang maamyendahan ang Section 5-7 ng Article X ng 1987 Constitution bilang preparasyon para sa pagkakaroon ng Federal Form of Government sa pamamagitan ng People’s Initiative kaya nagpasa ng Resolution na humihiling sa mga RDCs na suportahan ang mga nasabing proposed amendments.

Bukod dito, nagpasa ang kapulungan ng Resolution na humihiling sa Supreme Court na maglabas na ng desisyon patungkol sa petisyon na ibigay na ang kabahagi ng mga LGUs mula sa Internal Revenue Allocation (IRA) mula sa mga nakolektang national internal revenue taxes. Nauna nang ipinaliwanag ni Gov. Mandanas na may 40% share ang mga LGUs mula sa total collection ng Bureau of Customs na hindi ibinibigay sa LGUs mula pa 1992.

Napag-usapan din sa regional meeting ang tungkol sa Regional Disaster Risk Reduction and Management Council Rehabilitation and Recovery Plans, ang integrasyon ng mga Batas Trapiko sa Basic Education Curriculum , at ang paghahanay ng mga Local Plans sa regional at national development plans.

RDC Calabarzon 2nd Qtr Full Council Meeting. Ginawaran ni Batangas Gov. Dodo Mandanas, CALABARZON Regional Development Council (RDC) Chairperson, ng Certificate of Appreciation si Cavite Governor Jesus Crispin Remulla sa kanilang pag-host ng 2017 2nd Quarter RDC Full Council Meeting noong ika-7 ng Hunyo 2017 sa Taal Vista Hotel, Tagaytay City, Cavite. Kasama nila sina Sectoral Committee on Infrastructure Development chairperson Engr. Ladislao Andal (kaliwa) at RDC Calabarzon Asst. chairperson Dir. Luis Banua. Jenny Asilo Aguilera / Photo: Onin Castillo – Batangas Capitol PIO

Personal na dumalo sa pagpupulong si Cavite Governor Jesus Crispin Remulla at ilang mga local chief executives ng Cavite Province. Nakibahagi din sa RDC assembly sina Sectoral Committee on Infrastructure Development chairperson Engr. Ladislao Andal at Sectoral Committee on Social Development chairperson Dr. Tirso Ronquillo. Jenny Asilo Aguilera – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.