Gov. Dodo, Nanguna sa Panunumpa ng Soroptimist Kabatangueña Officers

Dairy Cattle Production sa Batangas, Tinalakay sa 7th World Bank Mission sa South Luzon Cluster
November 27, 2018
Children’s Month, Ipinagdiwang ng Batangas Capitol
November 28, 2018

Soroptimist International Kabatangueña. Sa pangunguna ng pangulo nitong si 5th District Board Member Claudette Ambida-Alday at Vice President na si Batangas City Councilor Alyssa Cruz, nanumpa sa harap ni Batangas Gov. Dodo Mandanas ang mga bagong halal na opisyal ng Soroptimist International Kabatangueña, noong ika-26 ng Nobyembre 2018 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City. Photo: JJ Pascua – Batangas Capitol PIO

November 27, 2017

Pinangunahan ni Batangas Gov. Dodo Mandanas ang panunumpa sa tungkulin ng mga bagong halal na opisyal ng Soroptimist International Kabatangueña, sa pangunguna ng pangulo nitong si 5th District Board Member Claudette Ambida-Alday, noong ika-26 ng Nobyembre 2018 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City.

Ang Soroptimist International ay isang pandaigdigang boluntaryong kilusan na sama-samang nagsisikap upang maiangat ang buhay ng mga kababaihan. Hangad ng samahan na makamtan ng mga kababaihan na maabot ang kanilang potensyal at mga mithiin sa pamamagitan ng pagsusulong ng mga socio-economic programs.

“Our aim is to be the voice of women and to empower women,” pahayag ni Soroptimist International Kabatangueña president at Bokal Ambida-Alday.

Kabilang sa mga opisyal ng Batangas City-based Soroptimist sina Batangas City Councilor Alyssa Cruz bilang Vice President; Marielle Diaz bilang Secretary; Isabelle Loyola, Treasurer; at Aileen Damirez, Auditor. Jonathan Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.