Gov. Dodo Naghain na ng CoC Para Gobernador; Pinabulaanan ang Pag-urong ng Kandidatura

Blood Samaritan Gold Award Iginawad ng Red Cross kay Gov. Mandanas
October 16, 2018
Water Tank sa Calaca Pinasinayaan
October 22, 2018

Rich Batangas tuloy-tuloy. Maagang naghain ng kanyang Certificate of Candidacy si Gov. Dodo Mandanas sa Comelec Office, Capitol Compound, Batangas City noong ika-11 ng Oktubre 2018. Kauna-unahang nagpasa ng kanyang CoC sa mga taga-COMELEC Provincial Office, sa pangunguna ni Atty. Candy Orense (kaliwa). Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

October 11, 2018

Rich Batangas tuloy-tuloy. Maagang naghain ng kanyang Certificate of Candidacy si Gov. Dodo Mandanas sa Comelec Office, Capitol Compound, Batangas City noong ika-11 ng Oktubre 2018. Kauna-unahang nagpasa ng kanyang CoC sa mga taga-COMELEC Provincial Office, sa pangunguna ni Atty. Candy Orense (kaliwa). Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

Sa pagbubukas ng opisyal na pagpapasa ng Certificates of Candidacy (CoC) ng mga tatakbo para sa May 2019 Mid-Term Elections, kauna-unahang nag-file ng kanyang CoC sa Comelec Batangas Provincial Office si Gov. Dodo Mandanas noong umaga ng ika-11 ng Oktubre 2018 sa Capitol Compound, Batangas City.

Matapos makapaghain ng kanyang kandidatura, binigyang-diin ni Gov. Mandanas na tuloy na tuloy ang kanyang muling pagtakbo para sa panibagong termino sa susunod na taon. Taliwas aniya ito sa mga lumalabas na balita na papalitan siya sa pagtakbo ng kanyang asawang si Atty. Gina Reyes Mandanas o ni 2nd District Congressman Raneo Abu.

Ipinaliwanag pa ng incumbent Batangas governor, hindi maaaring maging substitute candidate sa kanya ang kanyang maybahay sapagkat sa Marinduque ito naka-rehistro, samantalang magkaiba naman sila ng partido ni Cong. Abu. Si Gov. Mandanas ay kabilang sa PDP-Laban, habang si Deputy Speaker Abu ay kaanib ng Nationalista Party.

Ayon kay Gov. Mandanas, na sinamahan sa Comelec ng mga supporters, nakahanda siyang ipagpatuloy ang mga nasimulang magagandang mga proyektong para sa lalawigan, partikular ang patuloy na pagpapalawig ng serbisyong pang-kalusugan at edukasyon, at patuloy na pagpapalakas ng ekonomiya nito na ginagabayan ng HELP (Health, Education, Livelihood an Protection of Life, Property and Environment) Program. Vince Altar – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.