Gov. DoDo Mandanas, Nakibahagi sa Isinagawang Special Session ng SP Batangas

Notice of Vacant Positions
March 24, 2021
Libreng Laptop para sa mga Pampublikong Guro sa Lalawigan ng Batangas, Muling Ipinamahagi
March 26, 2021

March 25, 2021

Sa tuloy-tuloy na paggawa ng mga hakbang at pagbalangkas ng mga plano ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas na tutugon sa mga kasalukuyang pangangailangan ng mamamayang Batangueño, higit ngayong panahon ng pandemya, tunay na kailangang makita at maisabuhay ang diwa ng pagkakaiisa ng ehekutibo at lehislatibong sangay ng pamahaalan.

Kaugnay nito, nagkaroon ng pagkakataon si Governor DoDo Mandanas na makibahagi at aktibong makiisa sa isinagawang First Special Session ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas noong ika-25 ng Marso 2021.
Ang naturang pagpupulong, na isinagawa sa pamamagitan ng online audio and video teleconferencing, ay pinangunahan ni Vice Governor Mark Leviste na nagsilbi bilang Presiding Officer, kasama ang mga Board Members ng anim na distrito ng probinsya.

Isa sa mga tinalakay ng gobernador ang ngayon ay nagsisimula nang proyekto kung saan naglaan ang lalawigan ng ₱150 Milyon halaga ng ayuda na dagdag suporta ng lalawigan ngayong may pandemya. Ito ay proyekto ng Batangas Inter-Agency Task Force Against COVID-19 at ng Provincial Health Office, na inaasahang magpapalawig at magpapataas sa kasalukuyang kampanya ng lalawigan hinggil sa pagsunod sa mga itinakdang minimum health standards, na itinuturing pa rin na mainam at mabisang proteksyon laban sa virus.

Bukod sa iba pang mga concerns na may kinalaman sa pagpapabuti ng inihahatid na serbisyo, naging sentro ng isinagawang special session ang pagkakataon na mabigyang-diin ang pagkakaisa at pagiging magkatuwang ng dalawang sangay ng pamahalaan.

Malaki ang pasasalamat ng mga bumubuo ng Sangguniang Panlalawigan sa ipinapakita sa kanilang suporta ng gobernador sa mga programa at proyekto para sa kanilang mga distritong nasasakupan.
Bukod dito, ipinunto naman ng gobernador na sa ganitong sitwasyon, kinakailangan aniya na tulong-tulong ang mga nagbibigay serbisyo sa publiko. “Talagang ang legislative, hindi makakapagtrabaho kung wala ang isa, kayo talaga ang support, may continuity, napakahalaga,” dagdag pa ni Gov. Mandanas.

Dahil ipinagdiriwang rin ni Governor DoDo Mandanas ang kaniyang ika-77 kaarawan, naglaan naman si Vice Governor Mark Leviste at mga Board Members ng isang virtual sorpresa upang mismong sila ang magpaabot ng kanilang mga pagbati sa ama ng lalawigan ng batangas.

Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.