Gov. DoDo, Keynote Speaker sa Liveable Cities Local Lab

Forest at Fruit-bearing Tree Seedlings, Ipinamahagi sa mga Bayan ng Batangas Province
March 31, 2021
299 Batangueño Natulungan ng TUPAD Program
April 9, 2021

March 31, 2021

Lalawigan ng Batangas at mga Inisyatibo ng Kapitolyo, Itinampok

Nakiisa si Governor DoDo Mandanas bilang Keynote Speaker sa Liveable Cities LocalLabs, isang webinar series na layuning maitampok ang mga good practices, inobasyon, makabagong teknolohiya, urban planning, at Local Government Unit Management ng mga probinsya at lungsod sa bansa, noong ika-24 ng Marso 2021.

Naging sentro ng pagpupulong ang Lalawigan ng Batangas, na naisagawa sa pamamagitan ng online audio and video teleconferencing. Ibinahagi ni Governor Mandanas ang mga signipikong plano at inisyatibo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, habang patuloy itong nagbibigay ng response efforts sa epektong dala ng COVID-19 pandemic at ang muling pinangangambahang pagputok ng Bulkang Taal.

Binigyang-diin ng gobernador ang pagiging “most powerful province” ng Batangas at “energy center ng Pilipinas” dahil sa pagkakaroon nito ng power plants na may total production na 5,300MW; 1,200MW dito ay mula sa natural-gas.
Itinuring din ni Governor Mandanas ang Lungsod ng Batangas, bilang “most powerful city” sapagkat, bukod aniya sa mga power plants at largest oil refineries sa bansa na matatagpuan sa lungsod, mabilis din ang economic growth dito sa tulong ng Batangas International Port, na kilala bilang busiest passenger at container terminals sa Pilipinas kasunod ng Manila International Port.

Bukod dito, tinalakay rin ng punong-lalawigan ang mga pangunahing tinututukan ngayon ng kaniyang administrasyon sa pamamagitan ng governance thrust na H.E.L.P. Program (Health, Education, Livelihood and Protection of Life, Property and Environment).

Kabilang sa mga ipinunto ni Governor Mandanas ang tuloy-tuloy na pagbibigay ng mga honorarium sa mga volunteer workers, na ipinagmamalaki niyang ibinahagi na ang Lalawigan ng Batangas, sa ilalim ng kaniyang pamumuno, ang kauna-unahan Local Goverment Unit na nagbigay ng insentibo sa mga naturang boluntaryong manggagawa, na nagsimula pa noong taong 1995.

Bilang tugon naman ng lalawigan sa mga pangangailangan nito sa larangan ng kalusugan, ayon sa gobernador, nasa proseso na ng bidding ang mga karagdagang hospital beds at equipment. Tiniyak din niya ang pagpapagawa pa ng mga opsital, pagsasaayos ng pamamahala ng 12 district hospitals ng probinsya, at ang pagiging compliant umano sa direktiba ng pamahalaang nasyunal na makapagtalaga ng mga isolation facilities.

Sa sektor ng edukasyon, tuloy-tuloy din ang mas pinalalawig pa na educational assistance para sa mga iskolar ng lalawigan kung saan umabot na ito sa 81,958 total number of scholars simula noong muling mahalal si Govenor Mandanas taong 2016, at kabuuang 26,888 na mga kasalukuyang tumatanggap ng tulong pang-edukasyon. Ito ay binubuo ng mga mag-aaral mula senior highschool hanggang kolehiyo.

Kahit may pandemya, wala ring patid ang pagpapagawa ng mga silid-aralan, at pamamahagi ng laptops sa mga guro.

Bahagi naman ng delivery ng basic services ang pagsasakatuparan ng itinuturing na isa sa pinakamalaking programa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, ang proyektong paghahatid ng mga Multi-Purpose Rescue Van (MPRV) para sa mga barangay sa buong Lalawigan.

Nagbigay din ang gobernador ng updates sa efforts ng probinsya na makapagpatayo ito ng centralized network na tutugon upang magkaroon ng episyente at epektibong health information management system, document automation system, at provincial ID system.

Sa usapin ng food sustainability, ipinaalam ni Governor DoDo Mandanas na inuumpisahan na ngayon ang pagpapaganap ng proyektong Regional Food Terminal, na ayon sa kaniya ay kinikilala ng Department of Agriculture bilang simula ng food supply chain at agro-industrial corridor ng bansa.

Binigyang-daan din niya ang pag-uulat sa implementasyon ng Mandanas ruling ng Korte Suprema na isang makasaysayan o landmark decision na nagpapahintulot at nagsasabing ang mga pamahalaang lokal ay dapat magkaroon ng “just share” o wastong kabahagi ng Internal Revenue Allotment (IRA), alinsunod sa isinasaad sa batas.

Samantala, sa huling bahagi ng webinar, sinagot ni Governor Mandanas ang katanungan kung ano ang mga challenges na nagiging balakid sa pagsasakatuparan ng bisyon ng lalawigan. “We have many challenges, of course but I always considered these challenges as really challenges for us to improve. I could name several, but honestly, they go down to the basics of fighting against the pride, the greed of our leaders, the selfishness, not following the law, really those are the challenges that we face,” tugon ng gobernador.

“To solve, it has to be going down to the details…practicing the principles…that we have to be honest, do it with integrity, you have to always be competent…really being courageous”, dagdag pa ni Governor Mandanas kung saan ipinunto rin niya na ang pagiging magiting ay isa sa mga susi para mapagtagumpayan ang mga pagsubok.

Ang LocalLabs ay inorganisa ng Liveable Cities Philippines, katuwang ang League of Cities of the Philippines, at sa pakikipagtulungan ng Globe Telecom.

Kabilang sa mga naging bahagi ng webinar sina Ayala Corporation Chairperson and Chief Executive Officer Jaime Augusto Zobel de Ayala; Senior Vice President for Enterprise Group at Globe Telecom Inc., Peter Maquera; at mula sa Pamahalaang Lungsod ng Batangas, Mayor Beverley Rose Dimacuha.

Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.