Gov. DoDo: Fast-track Taal Response

OCD: “All the Way” ang Suporta ng National Government sa Evacuation, Relief Efforts sa Batangas
July 3, 2021
Kapitolyo, Nakiisa sa Philippines Arbor Day
July 4, 2021

July 3, 3031

PAGTUGON SA BAGONG BANTA NG BULKANG TAAL. Tinanggap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office, ang hatid na family tents mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Pormal itong ipinagkaloob sa Pamalahaang Bayan ng Laurel, na isa sa mga apektadong lugar sa muling pagpapakita ng mataas na aktibidad ng bulkan, noong ika-2 ng Hulyo 2021, sa pangunguna ni DSWD Sec. Rolly Bautista. ✐Mark Jonathan M. Macaraig/Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

Agarang hiniling ni Governor DoDo Mandanas sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pag-proseso ng ₱10 milyong halaga ng pinansyal na tulong sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), suplay ng food packs, at maging ng mga non-food items na gagamitin sa pagtugon sa Taal Response ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas.

Ang pagpapabilis ng kahilingang ito ng gobernador ay kaugnay sa bagong banta ng Bulkang Taal matapos itaas ng PHIVOLCS noong ika-1 ng Hulyo sa Alert Level 3 ang aktibidad ng bulkan.

Samantala, kaagad naipagkaloob ng DSWD ang paunang 200 family tents sa araw mismo na itinaas ang alerto ng Taal Volcano. Inaasahan na darating ang karagdagan pang 300 family tents sa July 5.

Ipinaabot naman ni Governor DoDo Mandanas ang kaniyang pasasalamat sa maagap na pag-agapay at maayos na pakikipag-ugnayan ng mga katuwang sa serbisyo publiko sa pangunguna ni Senate Committee on Health and Demographic Chairperson, Senator Bong Go at DSWD Secretary Rolly Bautista.

Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.