Gov. DoDo: Agri Projects and Interventions ng Batangas, mas Pinaigting sa Panahon ng COVID-19

“Halina Ika’y Magtanim” Program ng Kapitolyo, Inilunsad
May 29, 2021
MINUTES OF THE PRE-BID CONFERENCE OF THE BIDS AND AWARDS COMMITTEE FOR THE IMPLEMENTATION OF VARIOUS INFRASTRUCTURE PROJECTS OF THE PROVINCIAL GOVERNMENT OF BATANGAS HELD ON MAY 26, 2021
May 31, 2021

May 29, 2021

Food security at Resiliency, Tinututukan ng Pamahalaang Panlalawigan

“Tayo [Lalawigan ng Batangas] ay idineklara na ng ating Department of Agriculture bilang gateway ng agri-industrial business corridor para sigurado ‘yung food supply chain ng bansa.”

Ito ang binigyang-diin ni Governor DoDo Mandanas sa kaniyang naging lingguhang pagbibigay-mensahe sa isinagawang joint meeting ng Batangas Provincial Inter-Agency Task Force at Local Health Board noong ika-24 ng Mayo 2021.

Ipinunto ng gobernador na sa panahon ng pandemya, kailangan na mabago ang kabuuang pagpapalakad sa sektor ng agrikultura kung kaya’t tuloy-tuloy ang iba’t-ibang agri-based initiatives sa recovery program ng Lalawigan ng Batangas.

Kabilang dito ang ‘industrial approach’ sa mga major infrastructures na tutugon at magpapalakas pa sa mahalagang papel na ginagampanan ngayon ng probinsya bilang food belt o major producer ng matataas na kalidad ng agri-products hindi lamang para sa kalakhang CALABARZON kung hindi pati na rin sa National Capital Region at maging sa iba pang bahagi ng bansa.

Kaugnay ito sa ilang mga ipinagaganap na malalaking proyekto, tulad ng trading center sa barangay Malainin sa Bayan ng Ibaan at Regional Food Terminal sa Barangay Sta. Rita Aplaya sa Lungsod ng Batangas.

Layunin ng mga naturang agri-industrial infrastructures na matulungan ang mga magsasaka, magkaroon ng maayos na pag-proseso ng iba’t-ibang food commodities, at matiyak na sapat ang suplay ng pagkain, lalo ngayong patuloy na nararanasan ang pandemyang dulot ng COVID-19.

Mahalaga rin umano ang mga ito at ang iba pang mga binubuong plano ng probinysa sa panahon ng kalamidad, partikular sa banta ng Bulkang Taal.

Samantala, patuloy pa rin ang pamahalaang panlalawigan, sa pangunguna ng Office of the Provincial Agriculturist, sa paglinang ng mga hindi nagagamit na lupa na pagmamay-ari ng pamahalaang panlalawigan para maging potensyal na lupang taniman na mapapakinabangan para sa mga crop production projects.

Bukod dito, hindi rin nahihinto ang libreng pagpapagamit o pagpapahiram ng tanggapan ng mga makinarya sa mga Batangueñong magsasaka para sa post-harvest activities sa kani-kanilang bukirin.

Ikinagagalak naman ni Governor Mandanas na may mga indibidwal at grupo mula sa pribadong sektor na boluntaryong nagbibigay at nagpapahiram ng kanilang mga lupain upang magamit sa mga proyektong agrikultural.

Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.