Glenda Bausas, Itinalagang Bagong Bokal ng Unang Distrito ng Batangas Province

Kambal na Summa Cum Laude ng BSU ARASOF Nasugbu, Binigyang Parangal ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas
June 25, 2018
Batangueño PWDs Sumailalim sa Assesment, Measurement para sa Libreng Artificial Leg
June 27, 2018

June 26, 2018

Pinangasiwaan ni Batangas Governor Hermilando “Dodo” Mandanas ang panunumpa sa katungkulan ni Gng. Glenda P. Bausas na itinalaga na bagong miyembro ng Sangguniang Panlalawigan na kakatawan sa unang distrito ng Lalawigan noong ika-25 ng Hunyo 2018. Si Gng. Bausas ang nahirang na kapalit ng yumao nitong asawa na si dating Board Member Ramon Bausas na pumanaw noong Pebrero 26, 2018.

Ang panunumpa ni Board Member Glenda Bausas ay sinaksihan nina Provincial Legal Officer, Fiscal Cezar Castor at Provincial Planning and Development Officer Benjie Bausas.

Matapos ang manumpa bilang Board Member, agarang isinagawa ng mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ang isang special session upang pormal na kilalanin bilang bagong kasapi ng SP si Gng. Bausas.

Sa kanyang unang talumpati, winika ni Board Member Bausas ang Bible verse na “There is a Season for Everything, and a Reason for Everything” na malapit na naglalarawan ng kanyang pagkakahirang bilang lingkod bayan.

Taos puso rin ang pasasalamat ni BM Bausas sa kabuuan ng Sangguniang Panlalawigan na sumuporta sa kanya. Nagpasalamat din ito sa dating Board Member Roman Rosales na siyang tumayong mentor at gumabay sa kaniya sa mga gagampanin ng isang local legislator, at nagbigay gabay kung paano ipagpapatuloy ang mga naantalang mga proyekto ng kanyang yumaong asawa.

Sa pagtatapos ng kanyang talumpati, nagpasalamat din ito sa lahat ng mga nagdasal at sumuporta sa pagsulong sa kanya bilang Board Member, at sinabi na tulad ng kanyang asawa, siya ay magiging isang tapat ng public servant para sa sambayanang Batangueño. – Edwin V. Zabarte-Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.