Tulong pinansiyal, ipinamahagi noong People’s Day
September 20, 2019
Blood Banking Procedure Training, tagumpay
September 23, 2019

September 23, 2019

Ipinakilala sa mga opisyal at kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas noong ika-23 ng Setyembre 2019 sa Provincial Auditorium, Batangas City si Rhoelle Angela Maranan Mamorno, isang batang Batangueña na makikipagtagisan ng talino at ganda sa Munting Mutya ng Pilipinas 2019.

Hangad na makapagbigay ng karangalan sa lalawigan, lumapit si Rhoelle sa pamahalaang panlalawigan, sa pangunguna ni Governor DoDo Mandanas, upang humingi ng tulong sa pagkalap ng online votes para sa nasabing beauty pageant, na gaganapin sa unang pagkakataon ngayong November 17, 2019, at may “…mission to empower the young generation to value education, (and) fight against bullying and discrimination.”

Ang 10-taong Bauangueña ay panganay na anak nina Dra. Rhodora Maranan- Mamorno at Dr. Rouel Marasigan Mamorno, at kasalukuyan nasa Grade 5 sa Sunhill Montessori Casa Bauan.

Ayon sa kanyang mga magulang, si Rhoelle ay tunay na nagtataglay ng beauty and brain, na pinatunayan ng kanyang pagkakapanalo ng bronze medal sa Vanda Science Global Competiton, isang taunang international science contest. Dahil dito, kabilang siya sa mga naging Filipino participants sa Vanda International Science Finals sa Malaysia noong July 26 to 30, 2019.

Ang Munting Mutya ng Pilipinas 2019 ay gaganapin sa November 17, 2019 sa AFP Theatre, Quezon City.

Mon Antonio A. Carag III, Batangas PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.