FREE UPCAT REVIEW, Handog ni Gov. Dodo, SK Chair Banaag

Pagdiriwang ng ika-118th Anibersaryo ng Serbisyo Sibil, Opisyal na Sinimulan sa Kapitolyo
September 3, 2018
Proposed Taal Tourism Belt, Isinusulong
September 3, 2018

September 3, 2018

Halos dalawang daang mag-aaral ang nabiyayaan ng libreng review para sa University of the Philippines College Admission Test (UPCAT Review) noong Sabado, ika-1 ng Setyembre 2018 sa Cooperative Livelihood Conference Center, Capitol Compound, Batangas City.

Dinaluhan ito ng mga senior high school students na nagnanais makapasok sa Unibersidad ng Pilipinas. Inihatid ang programang ito ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa pakikipagtulungan sa Upsilon Sigma Phi ng nasabing pamantasan at ni Ginoong Clark Banaag, ang Batangas City Sangguniang Kabataan Chairperson.

Sa pangunguna ni Gov. Dodo Mandanas, naisagawa nang maayos ang nasabing programa sa pakikipag-ugnayan ni Gng. Merlita Pasatiempo, ang In-Charge para sa Education Program ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas. Naging mainit naman ang pagtanggap ng mga mag-aaral na nanggaling pa sa iba’t ibang munisipalidad sa pagdating ni SK Chairperson Clark Banaag, na nagpaalala na gawing isang hiyas ang edukasyon at ito ay magiging yaman ng bawat isang mamamayang Batangueño.

Samantala, inaasahang mas madami pa ang dadating na mag-aaral na nagnanais makapagreview ng libre para sa UPCAT sa darating na September 8. – JJBP/Batangas PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.