Free Seminar on Meat Processing, isinagawa sa Kapitolyo

KOOP Quiz 11th Blast, idinaos sa Kapitolyo
October 21, 2019
PNP Interaction Workshop at local tourism stakeholders sa lalawigan, isinagawa
October 23, 2019

October 21, 2019


Food Safety Awareness tinalakay sa pagdiriwang ng Meat Safety Consciousness Week

Ang ikatlong linggo sa buwan ng Oktubre kada taon, alinsunod sa Proclamation No. 276 of 1993, ay idineklara ng pamahalaan bilang Meat Safety Consciousness Week. Bilang bahagi ng pagdiriwang, isinagawa ang isang Free Seminar on Meat Processing na ginanap sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City noong ika-18 ng Oktubre 2019.

Ang nasabing pagsasanay ay magkabalikat na pinangunahan ng Department of Agriculture – Agricultural Training Institue IV – A (ATI) at Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Office of the Provincial

Veterinarian (OPV), na pinamumunuan ni Dr. Rommel Marasigan, at sa pakikipagtulungan ng Department of Agriculture – Regional Field Office IV-A (DA – RFO IV-A).

Sa gabay ng temang “Karneng Pagkain, Sapat at Ligtas, Masaganang Ani at Mataas na Kita ang Katumbas,” ang isang araw na libreng seminar ay kinatampukan ng iba’t-ibang paksa at demonstrasyon na nakatuon sa pagkakaroon ng ligtas at malinis na kinukonsumong karne ang bawat isang mamamayan, at mga pamamaraan na maaaring gamitin sa paghahanap-buhay.

Ang 167 na partisapanteng nakilahok, mula sa iba’t-ibang lalawigan sa CALABARZON at Bicol Region, ay masusing nakinig sa talakayan patungkol sa paksang Food Safety Awareness na iniulat ni Dr. Maria Fatima P. Amparo, kawani ng OPV.

Dito ay ibinahagi niya ang kahalagahan ng pagsasaalang-alang sa mga aspetong nakapaloob sa food safety o ang mga panukala at pamamaraan na makakapagsiguro na ang pagkain ay hindi makakapagdudulot ng anumang kapahamakan sa mga magkokonsumo nito.

Ilan din sa kaniyang binigyang-diin ang mga indibidwal na direktang humahawak sa pagkain o food handlers, ang pagtiyak sa kaayusan ng proseso mula sa preparasyon hanggang pagbebenta, mga ilang paalala na alinsunod sa World Health Organization, pagtatago ng pagkain sa angkop na temperatura, ilang food hazards na nakukuha sa pamamagitan ng physical, chemical, at biological na paraan, pest control, at mga batas at patakaran na magsisilbing gabay sa pagpapanatili ng kalinisan at sanitasyon ng mga pagkain.

Matapos ang lecture, sumailalim na ang mga kalahok sa seminar proper kung saan ang bawat isa ay binigyan ng kaalaman at tinuruan sa pamamagitan ng hands-on demonstration sa meat processing gamit ang mga natural na sangkap. Nagsilbing tagapagsanay si Ms. Ginalyn D. Bocaya mula sa DA – RFO IV-A.

Gamit ang mga natural ingredients at makabagong pamamaraan, itinuro ni Ms. Bocaya sa mga partisipante ang paggawa ng longganisa, hamburger patties, native pork at beef tapa, at siomai. Tinuruan din niya ang mga ito ng packaging para sa magandang presentasyon ng kanilang magiging produkto.

Mark Jonathan M. Macaraig, Photo: Karl Ambida – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.