Food Cart Livelihood Project para sa mga Batangueña, inilunsad

Youth and Sports, Community Development, at Employment, tampok sa PACD Accomplishments
April 1, 2019
MAISkwelahan sa Radyo, muling inilunsad sa Lalawigan ng Batangas
April 3, 2019

April 2, 2019

Kaugnay sa pagtutok sa pagbubukas ng mga oportunidad na pangkabuhayan ng Batangueño, inilunsad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pakikipag-ugnayan sa Samahang Batangueña, ang Food Cart Livelihood Project noong March 28, 2019, kaalinsabay ng ginanap na Women’s Month Celebration, sa Provincial Capitol Compound, Batangas City.

Ang nasabing proyektong pangkabuhayan, na naisakatuparan sa pakikipagtulungan sa CDO Foodsphere Inc., ay naglalayong makapagbigay ayuda sa mga kababaihan sa lalawigan sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga food cart, na magagamit sa pagtitinda ng iba’t ibang pagkain.

Personal na ibinigay ni Gov. DoDo Mandanas, katuwang ang maybahay nito na si Atty. Regina Reyes-Mandanas, Pangulo ng Samahang Batangueña, at dating Pangasinan Congresswoman Gina De Venecia, ang mga naturang food carts sa 20 benepisyaryo.
Ang 20 kababaihan, na napili ng Samahang Batangueña Board of Directors mula sa mga bayan ng Nasugbu, Mabini, San Jose at Lungsod ng Lipa, ay napagkalooban ng food cart, na may kasamang mga gamit at paninda, at nagkakahalagang P35,000 bawat isa.

Lubos ang pasasalamat ni Gov. Mandanas sa mga nakipagtulungan sa pagpapatupad ng matagumpay na livelihood project. Dagdag pa niya, tuloy tuloy ang pagsisikap ng pamahalaang panlalawigan sa pagsasagawa ng mga proyektong pangkabuhayan para sa mga kababayan. Marinela Jade Maneja, Mark Jonathan Macaraig, Photo: Macc Ocampo – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.