Financial Assistance ng Kapitolyo, Tuloy Hanggang Dec. 18, 2020

Integrated Coastal Management System Level 2 Certification, Iginawad sa Lalawigan ng Batangas
December 5, 2020
Suporta sa mga Private Schools sa Lalawigan ng Batangas, Isinusulong ni Gov. Mandanas
December 6, 2020

December 5, 2020

Ipinagpatuloy noong ika-1 ng Disyembre 2020 ang pamamahagi ng mga medical at burial financial assistance para sa mga Batangueño ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO).

Kaugnay pa rin ito sa tagubilin ni Batangas Governor DoDo Mandanas na hindi dapat matigil ang pagtulong ng pamahalaang panlalawigan sa mga kababayang nangangailangan, sa kabila ng pandemya.

Ang pamimigay ng tulong pinansiyal ay ginanap sa Provincial DREAM Zone, Capitol Compound, Lungsod ng Batangas, kung saan lahat ng mga benepisyaryo ay nakasuot ng face mask at face shield, at sumunod sa maayos na physical distancing.

Batay sa datos ng PSWDO, na pinangungunahan ni Ginang Jocelyn Montalbo, umabot sa halos ₱200,000 ang naipamigay noong unang araw ng buwan ng Disyembre, at patuloy silang tatanggap ng mga aplikasyon para sa medical at burial assistance hanggang sa ika-18 ng Disyembre ngayong taon.

Mon Carag – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.