Face-to-Face Meetings mas Lilimitahan pa sa Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas

Procurement Monitoring Report (July to December 2020)
March 15, 2021
Pagdiriwang ng Women’s Month ng Batangas Capitol, Ibinahagi ng PSWDO
March 19, 2021

March 18, 2021

Upward Surge ng Kaso ng COVID-19, Mahigpit na Minamanmanan

Muling mahigpit na ipinapaalala sa publiko ng Batangas Inter-Agency Task Force Against COVID-19 na sundin ang mga pinaiiral na health protocols sa harap ng banta ng mas tumataas na bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa isinagawang pagpupulong ng Batangas IATF, inatasan ni Governor DoDo Mandanas ang mga ahensyang kasapi ng task force na makipagtulungan at makipag-uganayan sa mga local government units (LGU) upang ma-monitor ang mga kaganapan sa kanilang mga nasasakupang pamayanan, na nakikitaan ng mga malawakang aktibidad dahil sa pagbubukas ng ekonomiya at pagluluwag ng travel restrictions sa bansa.

Sa mga datos nitong nakaraang linggo, mas tumataas pa ang bilang ng kaso ng mga bagong kaso ng COVID-19 at malaking bahagi nito ay nagaganap sa National Capital Region at mga lalawigang malapit dito. Kaugnay nito, naglabas ang ilang mga LGUs ng mga guidelines para sa pagpapairal ng localized lockdown.

Sa nakikitang upward trend ng mga nagpopositibo, ipinagbigay-alam ni Gov. Mandanas na pansamatalang ipagpapaliban ng pamahalaang panlalawigan ang nakatakdang State of the Province Address (SOPA) sa March 19, 2021, kung saan tatalakayin sana niya sa mga lokal na opisyal at sambayanang Batangueño ang kabuuang aksyon at hakbang na naisagawa ng Kapitolyo, isang taon matapos ang Luzon-wide lockdown na nagsimula noong ika-16 ng March 2020.

Sa halip na magkaroon ng limitadong pagtitipon, ayon sa gobernador, ang SOPA ay isasagawa at ipahahatid na lamang ng pamahalaang panlalawigan sa mga Batangueño sa pamamagitan ng digital streaming sa mga opisyal na online platforms nito, na epektibong alternatibo sa pagpapaabot ng impormasyon sa publiko upang maiwasan ang mass gathering.

Ipagpapaliban na rin o lilimitahan ang pagsasagawa ng mga face-to-face meetings sa iba’t ibang departamento ng Kapitolyo, at nakatakada na ring ipatupad ang pagsasailalim sa antigen test ng mga bisita na galing sa labas ng lalawigan na nais makipagpulong sa mga opisyal ng provincial government .

Sa ganitong paraan, inaasahang mababawasan umano ang malawakang hawaan, lalo na at may mga nakapasok nang mga bagong variants ng nasabing virus.

Nilinaw nito na ang lalawigan ay mananatili sa General Community Quarantine Status, na itinakda ng pamahalaang nasyunal, at sa kasalukuyan ay wala pang opisyal na deklarasyon ng mga bagong lockdown protocols sa buong lalawigan.

Sa kasalukuyan, 13 na mga LGUs sa lalawigan ang nasa ilalim ng MGCQ. Ang mga ito ang humiling na mapababa ang quarantine status, na inindorso naman ng panlalawigang IATF sa CALABARZON IATF.
Sinabi rin ni Gov. Mandanas na nasa kamay na ng mga mayors kung mag-iisyu sila ng mga panibagong health protocols sa kanilang mga bayan at lungsod.

Mahigpit nitong ipinaalala na pag-ibayuhin ang pagpapatupad ng mga itinakdang protocols dahil sa inaasahang pagdami ng mga biyahero na papasok bunsod ng pagsapit ng Holy Week sa unang linggo ng Abril at pagpasok ng summer season, partikular sa mga primyadong destinasyon ng mga turista sa lalawigan.

Hinihikayat din ang lahat ng opisyal at kawani ng pamahalaan na maging mabuting ehemplo ng pagsunod sa mga itinakdang health guidelines, at patuloy na gawin ang Hugas, Iwas at Mask campaign.

Edwin V. Zabarte – Batangas PIO Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.