Executive Legislative Agenda Meeting, Isinagawa Online ng Batangas Capitol

Estado ng Hanapbuhay: Ika’y Magtanim / Mangisda Program, Tinalakay sa Online Agri Meet
September 18, 2021
Request for Quotation – PURCHASE OF ONE (1) UNIT CONTAINER VAN FOR USE IN MAHAYAHAY, LEMERY ANIMAL INSPECTION CHECKPOINT
September 20, 2021

September 18, 2021

Isang virtual na Executive Legislative Agenda (ELA) 2020-2022 Meeting ang isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas noong ika-16 ng Setyembre 2021.

Gumanap na moderator sa online na pagpupulong ang Provincial Planning and Development Office, kung saan muling tinalakay ang vision at mission ng pamahalaang panlalawigan, kaugnay ng programang H.E.L.P. o patungkol sa Health, Education, Livelihood, at Protection of the Environment, Life and Properties, at mga proyektong nangangailangan ng legislative actions.

Muling binigyang-diin ni Gov. DoDo Mandanas na ang pagbuo ng isang pinagkasunduang agenda ay napakahalaga upang maipakita at maiparamdam ang isang buong pamahalaang panlalawigan, kasama ang Sangguniang Panlalawigan at lahat ng mga departamento, ngayong panahon ng pandemya.

Sinang-ayunan naman itong muli ni Vice Gov. Mark Leviste at mga board members ng lalawigan, na ibinahaging ang ELA ay nagpapakita ng pagtutulungan at pagkakaisa ng buong pamahalaang panlalawigan.

Vince Altar – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.