Estado ng Peace and Order sa Lalawigan ng Batangas, Tinalakay sa SP

Regional Kooperatibalitaan 2018, Isinagawa sa Lalawigan ng Batangas
March 12, 2018
Ordinance Providing for the Prevention, Control, Reduction and Mitigation ng Vector Borne Diseases ng Batangas- Inaprubahan
March 13, 2018

Peace and Order in the Province of Batangas. Tinalakay ni Batangas PNP Provincial Director, Police Senior Superintendent Alden B. Delvo sa mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ang kasalukuyang estado ng peace and order sa Lalawigan ng Batangas sa ginanap na 9th Regular Session noong ika-12 ng Marso 2018 sa Apolinario Mabini Legislative Building, Capitol Site, Batangas City. Mark Jonathan M. Macaraig / Photo: Shelly M. Umali – Batangas Capitol PIO

March 13, 2018

Peace and Order in the Province of Batangas. Tinalakay ni Batangas PNP Provincial Director, Police Senior Superintendent Alden B. Delvo sa mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ang kasalukuyang estado ng peace and order sa Lalawigan ng Batangas sa ginanap na 9th Regular Session noong ika-12 ng Marso 2018 sa Apolinario Mabini Legislative Building, Capitol Site, Batangas City. Mark Jonathan M. Macaraig / Photo: Shelly M. Umali – Batangas Capitol PIO

Ibinahagi ni Philippine National Police Batangas Provincial Director, Police Senior Superintendent Alden B. Delvo, ang kasalukuyang estado ng kapayapaan at kaayusan sa Lalawigan ng Batangas sa mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan sa ginanap na 9th Regular Session noong ika-12 ng Marso 2018.

Sa unang bahagi ng ulat ni SSupt. Delvo, tinalakay niya ang usapin patungkol sa terorismo. Inihayag niya na noong ika-10 ng Marso 2018, muling nagkaroon ng engkwentro ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at New People’s Army sa Barangay Patugo, Balayan, Batangas. Aniya, hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin na isinasagawa ang clearing operations sa nasabing lugar.

Bilang papalapit na nga ang pagdideklara ng pagpasok sa bansa ng panahon ng tag-init, tiniyak rin ni SSupt. Delvo, sa pinagsanib na puwersa ng tropa ng pamahalaan, ang PNP at AFP, na hindi nila hahayaan na  malagay sa panganib ang summer vacation o summer activities ng mga Batangueño. Sa katunayan, upang mapaigting pa ang seguridad, nagtalaga sila ng checkpoints, area monitoring at provincial mobile patrol sa iba’t-ibang lugar sa Lalawigan ng Batangas.

Kasama pa rin sa tinalakay ang usapin naman tungkol sa droga, kung saan ipinaliwanag ni SSupt. Delvo na ang Oplan Tokhang ay isa sa pangunahing programa ng pamahalaan upang mapigilan at masugpo ang talamak na ipinagbabawal na gamot.

Ang proyektong Tokhang umano ay hango sa salitang Cebuano na Toktok-Hangyo o ang ibig sabihin ay katok at pakiusap. Sa pamamagitan nito, nagbabahay-bahay ang mga pulis para magbigay babala sa maaring drug users at pushers.

Dagdag pa niya na ang Tokhang ay parte ng kanilang Police Community Relations Operation, na binigyang-diing “should be bloodless, should be non-violent”.

Layon ng Kapulisan na makapag reach out sa bawat punong bayan upang mas mapaigting pa ang kampanya sa pagsugpo sa drugs related problems.
Umaasa naman si Delvo, sa pamamagitan ng kanilang mga plano at programa, na mas tataas pa ang tiwala ng mga mamamayan sa buong kapulisan. Hiniling rin niya ang buong suporta ng Pamahalaang Panlalawigan at mga local government units na suportahan ang kanilang anti-criminality programs.

Samantala, lubos naman ang pasasalamat nina Vice Governor Nas Ona at mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan kay PD Delvo sa pagbabahagi sa pangkalahatang programa sa seguridad at makaka-asa aniya na buo nilang susuportahan ang Batangas PNP at handang umalalay sa abot ng kanilang makakaya. – Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.