Epekto ng Pagputok ng Bulkang Taal sa Turismo sa Batangas, Tinalakay

Camarines Environmental Planners Naghatid ng Tulong Taal
February 25, 2020
Tulong Taal: Tanauan, Agoncillo at Lemery Beneficiaries Tumanggap ng Cash Assistance
February 27, 2020

February 25, 2020

Mga Special Projects na Nakatuon sa Muling Pagpapalakas ng Turismo at Ugnayang Pang-kultura, Ipagaganap Ngayong Taon

Batay sa inilabas na partial assessment data ng Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO) noong ika-24 ng Pebrero 2020, inilahad ni Atty. Sylvia Marasigan, PTCAO Department Head, na nagkaroon ng malaking epekto sa tourism at cultural sites ng Lalawigan ng Batangas ang pagputok ng Bulkang Taal mahigit isang buwan na ang nakalilipas.

Matatandaan na noong taong 2019 ay kinilala ang Batangas bilang pang-walo sa 2018 top 10 tourist destinations sa buong Pilipinas ng Department of Tourism. Ayon kay Atty. Marasigan, ito ay isang malaking tagumpay na naging bunga ng pagtutulungan ng iba’t-ibang tourism officers at mga katuwang na tourism establishment operators sa lalawigan.

Dahil sa Taal Volcano eruption, hindi nakapagsumite ng record of tourist arrivals ang mga tourism officers at private partners sa mga bayan sa loob ng 14-kilometer danger zone, na nakasama sa mandatory lock-down, dahilan upang bahagyang bumaba ang bahagdan ng growth rate ng probinsya sa nasabing aspeto.

Dagdag pa nito, nakapagtala lamang ang kanilang tanggapan ng mahigit sa 13 million na kabuuang bilang ng tourist arrivals noong 2019, kumpara sa mahigit 15 million na dami noong 2018.

“Napaka-importante po ng record of arrivals dahil ang mga convergence projects ng DOT, DPWH at PEZA…hinihingi nila ang record para bigyan ng project”, dagdag pa ni Atty. Marasigan.

Sa huling datos ng PTCAO, nakapagtala ng mahigit sa P86.5 million na estimated damages at P123.2 million na estimated losses sa tourism sites within 14-km zone, habang P2.8 million estimated damages at P376,000 na estimated losses naman para sa cultural sites within 14-km zone.

Ang tanggapan, ayon kay Atty. Marasigan, bilang miyembro rin ng Tourism and Livelihood subsector, ay katuwang sa patuloy na isinagawang assessment na tatagal pa umano hanggang ika-28 ng Pebrero. Ang makakalap na datos aniya ang gagawing batayan sa pagbabalangkas ng National Economic and Development Authority (NEDA) IV-A Rehabilation and Recovery Program for Taal Volcano Eruption Affected Areas.

Dito ay layon ng PTCAO na makapagbigay ng skills enhancement at capability building capabilities para sa mga tourism frontliners. Magsasagawa rin ang tanggapan ng mas pinaigting na kampanya para sa mga tourism businesses, pangangalaga sa historical data para sa Taal Conservation Center, at updating ng Provincial Tourism Development Plan.

Bukod dito, nakahanay rin sa kanilang special projects na ipagaganap hanggang Hunyo ng taong ito ang patuloy na paggamit sa slogan na ‘Batangas Magiting’ na sasalamin umano sa pagiging matatag ng mga Batangueno, ang promotion ng faith tourism sites bilang paghahanda sa papalapit na mahal na araw o lenten season, promotion ng sun and beach sa pamamagitan ng batangas bayside ngayong darating na summer season, tulong taal concerts, at batangas bay cruise sa pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan naman sa ilang mga pribadong organisasyon.

Kabilang din dito, katuwang ang Office of the Provincial Agriculturist, ang pagpapatuloy ng programang Seasonal Farm Workers to South Korea kung saan magiging prayoridad ng proyekto ngayon ang mga nakatira sa lakeshore towns. Tutulungan din ng PTCAO ang ilang mga batangueno business groups sa pamamagitan ng isang expo, na ilulunsad sa hunyo sa bansang Canada, upang magkaroon ang mga ito ng global partnership.

Samantala, sa naging mensahe naman ni Governor Mandanas, ang pagiging magiting umano ng lalawigan ay pagpapakita ng yaman sa kaugaliaan at kasaysayan na bahagi rin ng turismo. Dahil sa mga kasalukuyang banta sa pagbisita sa nangungunang tourist attraction sa probinsya, ang Taal Volcano, maituturing din aniya itong oportunidad upang mas mapansin ang iba pang naggagandahang tourist destinations sa Batangas, kagaya ng Verde Island Passage; diving spots sa Anilao, Mabini; Submarine Garden sa Lobo; at Taal Basilica.

Sa kabila umano ng lahat ng nangyari, naniniwala pa rin si Governor Mandanas na magiging banner year ang taong 2020 para sa lalawigan.

Sa naunang mga pahayag, ibinahagi ni Governor Mandanas na ang lalawigan ay nahahati sa dalawang kategoryang panturismo – ang lakeshore at bay shore areas. Bagaman higit umanong naapektuhan ang lakeshore areas, ang mga bay side towns at cities, na nakaharap sa Balayan Bay at Batangas Bay, ay malayo sa mga kasalukuyan banta ng Taal Volcano at ligtas para sa mga turista o mga magnanais na bumisita dito.

Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.