English Computerized Learning Program sa Lalawigan ng Batangas, palalawakin

Invitation to Bid
February 13, 2019
Pagkalat ng Tigdas sa Lalawigan, tinutukan ng Prov’l. Health Office
February 14, 2019

February 14, 2019

Pinangunahan ni Batangas Governor Dodo Mandanas, bilang Chairperson, ang isinagawang pagpupulong ng Provincial School Board (PSB), kasama ang mga department heads ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas at mga kinatawan ng Department of Education (DepEd) Batangas Province noong ika-12 ng Pebrero 2019 sa People’s Mansion, Capitol Compound, Batangas City.

Kabilang sa mga naging paksa ang pagpapalawak ng English Computerized Learning Program (ECLP) sa Lalawigan ng Batangas. Ang ECLP ay isang makabagong sistema ng pagtuturo ng wikang Ingles sa mga mag-aaral ng elementarya, na dinisenyo upang mas madaling matuto at masanay ang mga ito sa pagbabasa, pagbabaybay, pagsulat, at pagpapalawak ng bokabularyo. Kaakibat dito ang pagtuturo at pag-aaral ng wastong pronounciation ng mga English words.

Ito ay hango sa isang modular approach, gamit ang makabagong teknolohiya, at naunang ipinatupad sa humigit kumulang na 25,000 mag-aaral ng mga Munisipalidad ng Bauan at Sto. Tomas noong School Year 2017-2018.
Sa kasalukuyang School Year, isinasagawa na rin ang ECLP sa mga bayan ng Lemery at Ibaan na mayroong 29,000 pupil-recipients.

Sa ulat ng DepEd Batangas, nagkaroon ng patimpalak para sa mga mag-aaral sa Ibaan at Lemery upang ipakita ang improvement ng mga ito. Sa pamamagitan ng Oration, Story-telling, Declamation, at Essay Writing, nagpamalas ng galing ang mga recipients ng ECLP program, na layong tumaas ang kaalaman ng bawat mag-aaral na Batangueño sa wikang Ingles at maging globally competitive.

Bukas ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamumuno ni Gov. Mandanas, sa mga inilahad na pagpapalawak ng proyektong ito sa iba pang mga bayan at lungsod sa lalawigan para sa kagalingan ng mga kabataang Batangueño.

✎ JHAY ¬JHAY B. PASCUA/Batangas PIO Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.