Emergency Quarantine Facility sa Lungsod ng Batangas, Pinasinayaan

Batangas Province IATF Situation Report – May 11, 2020
May 11, 2020
Batangas DOH Mag-iinspeksyon sa Isolation Facilities; PNP Personnel Sasailalim sa COVID-19 Patients Handling at Management
May 12, 2020

May 11, 2020

Isang blessing at turn-over ceremony ang isinagawa noong ika-10 ng Mayo 2020 upang pormal na pasinayaan ang itinayong Emergency Quarantine Facility (EQF) sa Batangas Health Care Specialist Medical Center (BHCSMC) na matatagpuan sa Diversion Road, Barangay Alangilan, Lungsod ng Batangas.

Ang naturang seremonya ay pinangunahan ni Architect William Ti, Jr., ang tumatayong pangkahalatang tagapamuno ng proyekto at Principal Architect ng WTA Architecture + Design Studio. Sa naging paglalahad ng detalye para sa nasabing proyekto ni Major Carmelo Jaluague, Operations Lead ng EQF Team, ang pasilidad ay dinisenyo ng WTA para sa mga ospital at medical institutions na nasa maximum capacity na.

Bilang aksyon sa mithiin at tugon sa inisyatibo ng samahan, katuwang ang iba pang mga arkitekto at industry experts, ito umano ang isa sa inaasahan nilang magbibigay solusyon nang sa gayon ay magkaroon pa ng karagdagang espasyo para sa mga bagong pasyente na kailangang i-quarantine dahil sa Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.

Ayon pa sa nilalaman ng project brief, ang naitayong EQF sa Lungsod ng Batangas, na pangangasiwaan ng BHCSMC, ay may 16-bed capacity at napondohan sa pamamagitan ng nagsilbing project donor, ang Team EQUISPORT.

Bukod dito, ang konstrukyon ng pasilidad ay isinagawa ng 514th Engineer Construction “Ang Gumagawa” Batallion, 51st Engineer Brigade, Philippine Army.

Naging bahagi rin ng pagtitipon ang paggagawad ng Sertipiko ng Pagkilala sa naturang architectural firm, mula sa pamunuan ng BHCSMC, sa pangunguna ni Dr. Ross Ona, Chief Operating Officer, kasama sina Dr. Annie Valdez, Medical Director at Dr. Eric Reyes, Hospital Administrator.

Nagbigay rin ng mensahe sina Brigadier General Emmanuel Anthony Ramos, Commander ng 51st Engineer Brigade; Major General William Ilagan, Chief Engineer ng Armed Forces of the Philippines; Dr. Gerald Alday, Incident Commander ng Inter-Agency Task for Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) Batangas; at Dr. Annie Valdez.

Ang Emergency Quarantine Facility sa Batangas Health Care Specialist Medical Center ay isa lamang sa kabuuan na 75 na EQFs na planong itayo ng WTA sa loob at labas ng Metro Manila.

Batangas PIO, Photo by: Ghadz

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.