Elected SK Officials sa Batangas, sumailalim sa Youth Development, Capability Seminar

Pamamahagi ng Educational Assistance, ipinagpatuloy nang muli sa Kapitolyo
May 22, 2019
Pagpapaunlad ng sektor ng pangkabuhayan at kooperatiba tinututukan ng Kapitolyo
May 27, 2019

Pag-asa ng Bayan. Naging panauhing pandangal sina Gov. DoDo Mandanas at Atty. Gina Reyes – Mandanas sa isinagawang ‘Youth Development Seminar and Capability Teambuilding’ para sa elected Sangguniang Kabataan (SK) officials sa Lalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni SK Provincial Federation President (SKPF) at ex-officio Board Member Hannah Beatriz Cabral at ng Provincial Assistance for Community Development Office, noong May 18-19, 2019 sa Batangas Country Club, Bolbok, Batangas City. Photo: Junjun De Chavez – Batangas Capitol PIO

May 23, 2019

Pag-asa ng Bayan. Naging panauhing pandangal sina Gov. DoDo Mandanas at Atty. Gina Reyes – Mandanas sa isinagawang ‘Youth Development Seminar and Capability Teambuilding’ para sa elected Sangguniang Kabataan (SK) officials sa Lalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni SK Provincial Federation President (SKPF) at ex-officio Board Member Hannah Beatriz Cabral at ng Provincial Assistance for Community Development Office, noong May 18-19, 2019 sa Batangas Country Club, Bolbok, Batangas City. Photo: Junjun De Chavez – Batangas Capitol PIO

Matagumpay na isinagawa ang ‘Youth Development Seminar and Capability Teambuilding’ para sa elected Sangguniang Kabataan (SK) officials sa Lalawigan ng Batangas, na inisyatibo ni SK Provincial Federation President (SKPF) at ex-officio Board Member Hannah Beatriz Cabral, noong May 18-19, 2019 sa Batangas Country Club, Bolbok, Batangas City.

May kabuuang 150 ang SK officials na nakilahok sa 2-day event, mula sa 31 munisipalidad at 3 lungsod sa Batangas Province, kung saan nagsilbing panauhing pandangal sina Gov. DoDo Mandanas at Atty. Gina Reyes – Mandanas, na ipinahayag ang galak at paghanga sa mga pagsisikap ng buong Sangguniang Kabataan na gampanan ng may malinis na hangarin at kahanga-hangang determinasyon ang kanilang mga tungkulin.

Layunin ng nasabing pagtitipon, na naisagawa katuwang ang Provincial Assistance for Community Development Office, na patuloy na maitaas ang kaalaman ng mga SK officials nang sa gayon ay maging mas mahusay at handa ang mga ito sa kanilang dalawang taon na paglilingkod bilang kinatawan ng mga kabataan sa kani-kanilang barangay.

Sa unang araw ng aktibidad ay idinaos ang isang development seminar at forum, kung saan naging pangunahing mga paksa ang “Good Governance and Social Responsibility,” na tinalakay ni Dr. Marietto C. Sevilla; “Role of Sangguniang Kabataan in Barangay Drug Clearing Operation (BADAC),” na pinangunahan ni Lady Jessice M. Naong ng Department of the Interior and Local Government (DILG) – Batangas; at, “Disaster Risk Management,” na siyang pinagtuunan naman ng pansin ni Arlene D. Banaag ng DILG – Batangas.

Kaugnay nito, nagkaroon ng lecture patungkol sa isyu ng Depresyon, na masusing tinalakay ni Mr. Alfred Raymundo Panopio, isang registered nurse na instructor sa National University sa Maynila.

Aniya, mahalagang maimulat ang mga SK officials lalo’t higit at maraming kabataan ang kumakaharap sa depresyon sa kasalukuyan, at nararapat lamang na magkaroon ng awareness ang mga ito, hindi lamang patungkol sa nasabing kundisyon, kundi pati na rin sa mental health, bilang mga kinatawan ng youth sector.

Sa ikalawang araw ng pagtitipon ay sumabak naman ang mga SK members sa iba’t ibang outdoor activities na sinubok at nilinang ang kanilang kakayahan sa mga aspeto ng teamwork, leadership, trust building at creative thinking. – Marinela Jade M. Maneja, Batangas PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.