Earthquake Intensity Meter ng PHIVOLCS Ini-install sa Batangas PDRRMO

Provincial Health Office, Nag-ulat sa Estado ng Pagbabakuna sa Lalawigan
June 5, 2021
PDRRMO Chief, Ipinaalala ang Kahalagahan ng Family Preparedness sa Pagpasok ng Rainy Season
June 6, 2021

June 6, 2021

Isang earthquake intensity meter ang ini-install sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa Provincial Sports Complex, Lungsod ng Batangas noong ika-2 ng Hunyo 2021 bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng kapasidad ng Lalawigan ng Batangas sa disaster preparedness, katuwang ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Ang instrumento ay inaasahang susukat sa lakas ng pagyanig na dulot ng anumang paglindol sa lalawigan, na agarang din namang matatanggap at mababasa sa pamamagitan ng mga computers sa PHIVOLCS Central Office sa Quezon City.

Ang proyekto ay isa sa mga naging bunga ng Memorandum of Agreement na nilagdaan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ni Governor DoDo Mandanas at Dr. Renato Solidum, Undersecretary ng Department of Science and Technology (DOST) at Officer in Charge ng DOST-PHIVOLCS.

Ayon kay PDRRMO department head Joselito Castro, malaking tulong ang nasabing makabagong kagamitan sa pagganap ng kanilang tanggapan sa disaster management. Dagdag pa nito na may kapasidad din ang earthquake equipment na masukat ang intensity ng mga paglindol na magaganap sa mga karatig lalawigan na mararamdaman sa Batangas.

Magugunitang nakaranas ng malalakas na lindol ang Batangas Province noong Abril 2017, na tinaguriang earthquake swarm ng PHIVOLCS at ang epicenters ay sa mga Bayan ng Mabini at Tingloy.

Jun Magnaye – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.