Dugong Bigay, Dugtong Buhay: Higit 160 Bags ng Dugo, Nakolekta sa Blood Olympics

Cancellation of Purchase of 8,000 boxes of Sodium Ascorbate 500mg with Zinc Sulfate Monohydrate 27.5mg, 100’s for frontliners and patients as adjuvant treatment and to boost their immune system
November 19, 2020
Tawid Dagat na Tulong Hatid ng Pamahalaang Panlalawigan
November 20, 2020

November 20, 2020

Umabot sa mahigit 162 na bags ng dugo ang nakolekta sa isinagawang Blood Olympics na ginanap sa Camp General Miguel Malvar, ang headquarters ng Philippine National Police Batangas Province, sa Barangay Kumintang Ilaya, Batangas City noong ika-17 ng Nobyembre 2020.

Ang naturang aktibidad ay naisakatuparan sa patuloy na adhikain ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, partikular ni Governor DoDo Mandanas, na makapagsawaga ng mga aktibidad na naka-sentro sa mga programang panlipunan.

Sa gabay ng temang “Safe Blood Saves Lives: Give Blood and Make the World a Healthier Place,” naging bahagi ng blood-letting activity ang buong pamunuan ng Batangas Blood Council, sa pangunguna nina Provincial Health Officer, Dr. Rosvilinda Ozaeta; Blood Provincial Coordinator Dr. Josephine Gutierrez; Batangas PNP, sa ilalim ng pamumuno ni Provincial Director PCol. Rex Arvin Malimban; Department of Health – Region IVA Center for Health Development na kinabibilangan nina Regional Blood Donor Recruitment Officer, Mr. Paul Vincent Santos, at Regional Coordinator for Batangas Province, Mr. Von Endozo; Mr. Ronald Generoso ng Red Cross Batangas Chapter; Batangas Medical Center; at Rotary Club of San Pascual.

Nagpaabot ng maikling mensahe si Governor Mandanas na sumentro sa kahalagahan ng pagtutulungan para sa lalawigan at sa mga kapwa Batangueño. Nagmula sa hanay ng mga kapulisan ng iba’t-ibang bayan sa lalawigan ang nag-alay ng kanilang oras at panahon upang boluntaryong makapagbigay ng dugo.

Kasabay ng naging tagumpay ng Blood Olympics ay ang pagtiyak ng mga bumubuo ng konseho na ang aktibidad ay sumusunod sa mga itinakdang health and safety protocols, tulad ng paglalagay ng naaangkop na mga signages, paghuhugas ng kamay, pagkuha o pagsususuri ng body temperature, pagsusuot ng face mask, at pagbibigay ng kaukulang schedule nang sa gayon ay mapanatili ang physical distancing.

Samantala, nagbigay naman ng mensahe si Malimban na nagpahayag na malaki ang maitutulong ng mga nakuhang dugo mula sa puwersa ng pulisya. Ayon pa sa PNP – Batangas Provincial Director, marami ring benepisyong medikal ang pagbibigay ng dugo, kaya naman hinihikayat nito ang lahat ng mga may malusog na pangangatawan na mag-donate ng dugo para sa mga kababayan na higit na nangangailangan.

Millicent Ramos & Mark Jonathan Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.