DSWD, DTI, Namahagi ng Face Masks sa Taal Evacuues sa Talaibon Interim Homes

Help in Motion Medical Services Assistance ng Kapitolyo, mas Pinagtitibay Kasama ang Private Medical Hospitals at Laboratories
May 1, 2021
Air Quality Monitoring sa Batangas Province, Patuloy na Isinasagawa
May 9, 2021

May 9, 2021

May 600 na pamilyang Taal Evacuees, na kasalukuyang naninirahan sa Talaibon Interim Homes sa Bayan ng Ibaan, ang napagkalooban ng face masks mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Trade and Industry (DTI) bilang bahagi ng proyekto ng pamahalaang nasyunal na Libreng Mask para sa Masa.

Naipamahagi ang hatid na mga washable face masks sa isinagawang turnover ceremony noong ika-29 ng Abril 2021, na pinangunahan nina DSWD Undersecretary Rene Glen Paje, DTI Assistant Secretary Dominic Tolentino, Jr., at DSWD Field Office 1 Regional Director Marcelo Nicomedes Castillo.

Naisakatuparan ang aktibidad sa pakikipag-ugnayan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Governor DoDo Mandanas, sa naturang mga ahensya.

Ang mga Taal evacuees naman na naging benepisyaryo ng programa ay ang mga pamilya at indibidwal na patuloy at kasalukuyan pa ring kinakalinga ng Kapitolyo.

Ang face mask distribution project ay alinsunod sa Memorandum No. 49 na inilabas ng tanggapan ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagbibigay direktiba sa iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan na mapalakas ang mga aktibidad para makapagbigay ng libreng face masks sa publiko, partikular sa mga vulnerable sectors at mga mahihirap na mamamayan o pamilyang Pilipino na walang kakayahan bumili nito.

Layunin din ng “Libreng Mask para sa Masa” na mapaigting ang kampanya at istratehiya na mapigilan ang mabilisang hawaan o pagkalat ng COVID-19 sa pamamagitan ng paghikayat sa mga tao na sumunod sa mga ipinatutupad na minimum health standards.

Kabilang sa mga nakiisa sa seremonya, mula sa hanay ng pamahalaang panlalawigan, sina Provincial Administrator Librado Dimaunahan, na kumatawan kay Governor Mandanas; Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Lito Castro; at Provincial Social Welfare and Development Office Assistant Department Head Flor Lachica.

Mark Jonathan M. Macaraig/Photo: Francis Milla – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.