Drug Free Batangas, Pangunahing Paksa ng Provincial Anti-Drug Abuse Council

PDC Muling Nakiisa sa Ginanap na Joint General Assembly Meeting
June 28, 2018
BPDRRMO Chief, Nagbigay Ulat para sa Handa at Ligtas na Batangas
July 2, 2018

June 28, 2018

“Your Batangas PNP now is doing its best to maintain peace and order.” Iyan ang naging pambungad at matikas na pananalita ni Acting Provincial Director, Police Senior Superintendent Atty. Edwin A. Quilates sa Joint Council Meeting ng Provincial Anti-Drug Abuse Council sa Bulwagang Batangan, Capitol Bldg, Batangas City noong June 27, 2018.

Inihayag ni PD Quilates ang sistema ng Batangas PNP kung papaano ginagawang Drug Free ang Lalawigan ng Batangas. Nararapat muna daw na makita ang totoong larawan ng probinsya laban sa perwisyo ng iligal na droga. Dagdag pa nito, hindi mapupuksa ang mga illegal na droga kung hindi nagiging regular ang monitoring ng mga kabalikat na puwersa ng PNP.

Pagmamalaki ni Batangas PD Quilates, umaabot na ng 3 Milyong Piso ang halaga ng droga ang nasabat ng puwersa ng PNP. Aniya, hindi siya papayag na maapektuhan ang progreso at katahimikan Batangas Province dahil lang sa salot na illegal na droga. Tututukan din niya aniya ang iba pang uri ng kriminalidad tulad ng mga robbery hold-up, lalo pa’t nalalapit na ang eleksyon kaya nauuso na naman ang mga gun for hire. Ito ay higit din nilang binabantayan upang maging matahimik ang dadating na halalan ng probinsya.

Ang nakitang solusyon ng Batangas Provincial Police Office sa pamumuno ni PD Quilates ay ang pagsasagawa barangay clearing operations, patuloy na monitoring ng mga drug surrenderees sa barangay, paghingi ng tulong suporta sa Provincial Health Office (PHO) para sa pagbibigay ng mga Psychiatric Counselling sa bawat barangay at magkaroon ng bilang o watch lists ng lahat ng mga drug users at pushers para sa monitoring ng lahat ng mga barangay sa buong probinsya.

Bilang pagsuporta ni Gov. Dodo Mandanas sa inihaing solusyon ng Batangas PNP, magbibigay ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ng karagdagang pondo para sa mga programa ng PNP. Naghain din ang gobernador ng reward system na naaayon naman sa supervision ng DILG upang mas mapabilis at maging epektibo ang mga programa ng PNP para sa lalawigan. – JHAY ¬JHAY B. PASCUA – PIO CAPITOL

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
2

Comments are closed.