Donasyong Bigas ng Pamahalaan ng Japan para sa Taal Evacuees, Ipinamahagi Na

Invitation to Bid – Purchase of 442 units of Laptop Computer to be distributed to selected teachers in the Division of Batangas; Purchase of 10,780 pieces of Colored Jacket with hood to be given to Barangay Officials of Batangas Province; Supply and Installation of One (1) lot CCTV Camera for Security use at the Provincial Capitol
November 11, 2020
Notice of Award – Purchase and delivery of 35,000 boxes of Clear Plastic Face Shield for distribution to Frontline Community Volunteers
November 16, 2020

November 12, 2020

Proseso ng Distribusyon, Ipinaliwanag ng Batangas PSWDO

“Walang bigas mula sa Japan ang dumaan sa Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas. Direktang ipinamahagi ito ng mga Munisipyo at Lungsod.”

Ito ang binigyang-diin ng tanggapan ng Provincial Social Welfare and Development (PSWDO) sa pagbibigay ng naging estado at proseso ng distibusyon ng donasyong bigas na ipinagkaloob ng Ministry of Agriculture, Forestry, and Fisheries (MAFF) ng Pamahalaan ng Japan, na laang tulong para sa mga naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Sa mensahe ng PSWDO sa Provincial Information Office, ipinaliwanag ni Ginang Flor Lachica, Assistant Department Head ng tanggapan, na ang naturang rice donation ng Japan Government, na may kabuuang 17,000 na sako ng bigas na tig-25 kilo, ay para lamang sa biktima ng Taal Volcano eruption.

Ito ay sang-ayon sa naging kasunduaan o Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng dalawang national agencies na kinabibilangan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at National Food Authority (NFA), kung saan nakasaad din na ang tanging gampanin lang ng pamahalaang panlalawigan, sa pamamagitan ng PSWDO, ay mag-facilitate ng distribution process.

Sa naging alokasyon ng PSWDO, na inaprubahan ng DSWD Region IV-A, walong directly-affected local government units (Agoncillo, Balete, Laurel, Lemery, San Nicolas, Taal, Talisay at Tanauan City), anim na Lockdown areas (Alitagtag, Cuenca, Mataas na Kahoy, Malvar at Lipa City), at mga evacuees mula sa Talaibon Interim Home sa Bayan ng Ibaan, ang pinagdalahan ng mga bigas, ayon sa distribution plan ng lalawigan ng Batangas.

Ayon sa MOA, ang bawat identified beneficiary household ay makakatanggap ng tig-isang 25-kilo na sako ng bigas dahilan upang hindi ito maaaring i-repack o hati-hatiin para gamitin sa ibang mga isinasagawang rice subsidy distribution ng lalawigan.

Sa pamamagitan ng mga C/MSWDO, ang mga nakuhang bigas ay ibibigay na sa mga eligible beneficiaries kung saan ang kanilang mga pirma sa distribution sheets ang magsisilbing katibayan na natanggap ng mga ito ang ipinagkaloob na bigas mula sa bansang Japan.

Nilinaw din ng tanggapan na magkaiba at hindi ang donasyong bigas ng Pamahalaan ng Japan ang ipinagkakaloob ng lalawigan, sa tuloy-tuloy at walang patid na pagbibigay malasakit ni Governor DoDo Mandanas, sa mga naapektuhan ng Taal Eruption, sa iba’t-ibang mga sektor, organisasyon, grupo, at indibidwal na apektado ng patuloy na nararanasang pandemya, at maging sa mga nasalanta ng dalawang magkasunod na bagyong Quinta at Rolly.

Sa kasalukuyan, batay sa huling datos ng NFA, ika-6 ng Nobyembre 2020, mula sa total na 17,000 sacks of rice, 14,126 na dito ang nai-release at may natitira na lamang na 2,874 sako ng bigas para sa mga bayan ng Lemery, Agoncillo, at Talisay. Ito ay sa kadahilanan ng availability at loading capacity ng pagkakargahan ng mga bigas.

Samantala, matatandaan na pormal na tinanggap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, kasama ang pamunuan ng National Food Authority (NFA) at Department of Social Welfare and Development Office (DSWD), ang 425 metriko toneladang bigas mula sa pamahalaan ng Japan noong ika-26 ng Oktubre 2020 sa NFA Batangas Provincial Office sa Lungsod ng Batangas.

Naging bahagi sa isinagawang turnover ceremony, para sa hanay ng Kapitolyo, sina Provincial Administrator Levi Dimaunahan, na kumatawan kay Gov. DoDo Mandanas, at si PSWDO Chief Jocelyn Montalbo.

Mark Jonathan M. Macaraig / Photos: Eric Arellano & Mrs. Flor Lachica – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
62

Comments are closed.