July 12, 2018
Ibinahagi ng Department of Energy (DOE) – Oil Industry Management Bureau (OIMB) ang kanilang isinasagawang inspection ng mga gasoline at liquid fuel stations at LPG stores sa Lalawigan ng Batangas ngayong Hulyo 2018 sa pakikipagtulungan sa Department of Trade and Industry (DTI), Department of the Interior and Local Government (DILG), at Bureau of Fire Protection (BFP) – Batangas.
Kaagapay ang mga Cities and Municipalities Business Permits ang Licensing Offices (BPLO), nagkakaroon ang DOE ng Focused Inspection ng iba’t ibang Gasoline Stations at Liquid Fuels and LPG Establishments sa lalawigan upang masigurong sumusunod ang mga nasabing establisimyento sa mga batas, panuntunan at regulasyon na itinakda ng pamahalaan, sa pamamagitan ng DOE.
Isinagawa din ng ahensya ang Information, Education and Communication Campaign sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City noong ika -12 ng Hunyo 2018 na dinaluhan ng mga representatives mula sa Cities and Municipalities BPLO, Provincial Offices of DTI, at Liquefied Fuels and LPG establishment owners.
Ilan sa mga tinalakay sa pagtition ay ang Layunin ng Focused Inspection Project, Overview of the Downstream Oil Industry, Philippine National Standards for LPG Cylinders, LPG Rules and Regulations, Revised Retail Rules, at Fire Code of the Philippines (Liquid Fuel and LPG Related).
Naging mahalagang bahagi naman ng kampanya ang pagbibigay ni Supt. Damian Rejano Jr. ng BFP Batangas ng ilang Safety Measures and Tips para makaiwas sa sunog na dulot ng LPG, ito ay bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month ngayong buwan ng Hulyo.
Nagtapos ang aktibidad sa isang open forum na sumagot sa mga katanungan ng mga kalahok na dumalo sa pagtitipon. – John Derick Ilagan – Batangas Capitol PIO