Distribution of Brigada Eskwela Materials, isinagawa

Tiwala ng Batangueño ipinamalas kay Gov. DoDo sa nakuhang higit 1 milyong boto, pinakamataas na election turnout para sa nasabing posisyon sa buong bansa.
May 16, 2019
2019 Palarong Pambansa Elementary Basketball Champs, Kinilala ng Pamahalaang Panlalawigan
May 20, 2019

May 18,2019

18

Isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. DoDo Mandanas, ang pamamahagi ng mga kakailanganing kagamitan para sa Brigada Eskwela 2019 sa Lalawigan ng Batangas noong ika-18 ng Mayo 2019 sa Provincial Auditorium, Capitol Site, Batangas City.

Ang Brigada Eskwela 2019 ay isinagawa mula ika-20 hanggang 25 ng Mayo 2019 at may temang “Matatag na Bayan para sa Maunlad na Pamayanan.”

Katuwang ang Batangas Capitol, sa pamamagitan ng Provincial School Board (PSB), ng Department of Education – Batangas Province Division Office upang matiyak ang kaayusan at kahandaan ng mga pampublikong paaralan sa lalawigan sa pagbubukas ng School Year 2019-2020 sa Hunyo.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Gov. DoDo Mandanas ang pokus ng kanyang administrasyon sa edukasyon, kung saan magiging tuloy-tuloy ang mga proyektong ipapaganap, tulad ng libreng wifi sa mga paaralan, karagdagan mga silid-aralan at gamit sa pagtuturo, educationa assistance, at maging ang sasakyan ng mga supervisors sa lalawigan.

Dumalo sa pagtitipon ang mga guro mula sa mga paaralan ng First hanggang Fourth Districts ng lalawigan.

Naging aktibo sa distribution sina Engr. Evelyn Estigoy, ang PSB Secretariat Head, at Dr. Joepi Falqueza, Assistant Schools Division Superintendent ng DepEd Batangas Province. – Jun–Jun De Chavez,Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.