Disinfection sa mga Public Markets sa Lalawigan ng Batangas, Tuloy-tuloy na Isinasagawa

Lalawigan ng Batangas, Nananatiling Naka-full Alert sa Banta ng COVID-19
April 29, 2020
Food Security at Sustainability sa Gitna ng COVID-19 Crisis, Tinitiyak ng OPAg
May 6, 2020

May 5, 2020

Bukod sa pagpapatupad ng social distancing, pagsiguro sa pagsusuot ng face mask, at palagiang paggamit ng alcohol o hand sanitizer, isa ang pag-disinfect sa mga pampublikong pamilihan bilang patuloy na ginagawang hakbang ng bawat bayan at lungsod sa Lalawigan ng Batangas upang mapigilan at tuluyang masugpo ang Coronavirus Disease o COVID-19.

Ito ay bahagi na rin ng pagtiyak na mapanatili ang kalinisan sa isa sa mga ikonokonsidera na mataong lugar o madalas pinupuntahan sa ating mga komunidad.

Sa kasalukuyan ay maraming public markets na sa buong lalawigan ang tuloy-tuloy na isinasailalim sa disinfection drive. Kabilang dito ang Rosario Public Market na sa katunayan ay wala pang naitatalang kaso ng COVID-19.

Kasama rin ang Taal Public Market kung saan iisa lamang ang naitatala pang confirmed COVID-19 case.

Samantala, sa pagsasagawa ng disinfection operation sa mga pamilihan, tinitiyak naman na ligtas sa mga tao ang ginagamit na solution upang hindi ito makapagdulot ng anumang problemang pangkalusugan.

Batangas PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.