DILG Batangas PD Mauleon, hinirang na Regional Director ng Bureau of the Treasury Region IV-A

Pamahalang Panlalawigan ng Batangas, Nakiisa sa Paglulunsad ng “Isang Dahon, Isang Dunong”
March 12, 2019
Invitation to Bid
March 13, 2019

March 13, 2019

Bilang pagkilala sa kanyang ipinamalas na galing at dedikasyon bilang isang public servant, hinirang si Department of the Interior and Local Government (DILG) Batangas Provincial Director (PD) Adelma D. Mauleon, CESO V, bilang bagong Regional Director ng Bureau of Treasury Region IV-A.

Nilagdaan at naging epektibo ang panunungkulan ni Mauleon bilang Director II ng Bureau of the Treasury noong ika-15 ng Pebrero 2019, kasabay ng inagurasyon at pormal na pagbubukas ng bagong DILG Batangas Provincial Office. Kaugnay nito, nanumpa si PD Mauleon sa harap ni Department of Finance (DoF) Secretary Carlos G. Dominguez noong ika-8 ng Marso 2019 sa DOF Bldg., BSP Complex, Roxas Boulevard, Manila.

Si Mauleon, na naglingkod sa kagawaran ng halos tatlong dekada, ay nagsilbi bilang full-fledged DILG Batangas Provincial Director ng mahigit tatlong taon. Sa panahon ng kanyang panunungkulan, ang DILG Batangas Province ay nagkaroon ng sariling opisina; nagbigay ng parangal sa pagpapatupad ng Programs and Projects Accomplishments (PPA) sa mga Local Government Units (LGUs) at local DILG offices; at, nagpasimula ng iba’t ibang programa para sa lalawigan.

Lubos na ikinatuwa ng gobernador ang tagumpay ni Mauleon, na isang Certified Public Accountant at Doctor of Jurisprudence, sa pagkakahirang ng isang Batangueña sa mataas na katungkulan sa pamahalaan, kasabay ng pagpapasalamat nito sa lahat ng pagsisikap na inilaan ng outgoing provincial director para sa lalawigan.

Samantala, itinalaga si Local Government Operations Officer (LGOO) VII Abigail N. Andres bilang Officer in Charge-PD ng DILG Batangas Province. ✐ Marinela Jade Maneja — Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.