Dental Mission sa Alitagtag, Isinagawa

Bokal Bart Blanco, Kinilalang Tagapagsulong ng Agrikultura sa Batangas
August 14, 2019
Magsasakang Batangueño, Wagi sa Ilang Regional, National Agri Competitions
August 14, 2019

August 14, 2019

Isangg dental health mission ang hatid Provincial Health Office (PHO) sa Munisipalidad ng Alitagtag noong ika- 13 ng Agosto 2019kung saan nakatuwang nito ang Sangguniang Kabataan ng nasabing bayan.

Layuning ng dental health mission na mapangalagaan ang ngipin ng mga mag-aaral na Batangueño at manumbalik ang sigla at ngiti sa mga ito.

Sa nasabing aktibidad , 96 na mga kabataan ang nabigyan ng libreng dental service, tulad ng bunot at check up. Nagbigay din ang mga kawani ng PHO ng mga dental hygiene kit na naglalaman ng gamit para sa pangangalaga ng ngipin, tulad ng toothpaste, toothbrush, at mga information materials na nagsaad ng mga wasto at tamang pangangalaga sa ngipin.

Ayon kay Dr. Dionisio Burog, Jr., PHO dentist patuloy ang paalala ng PHO sa mga kabataan na huwagmaging tamad at huwag kalimutan ang regular na pagsisipilyo upang mapangalagaan ang mga ngipin at maiwasan ang pagkasira ng mga ito.

Ang nasabing dental health program ay inililibot ng PHO, sa mga bayan at lungsod na nag nanais na magkaroon ng dental mission sa kanilang mga lokalidad.

Shelly Umali – PIO Batangas

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.