Demand Reduction sa Droga, Isa sa Solusyong Nakikita ng Provincial Anti-Drug Abuse Council

Pagsusulong sa People’s Initiative, Suportado na ng LMP at LnB
November 21, 2018
500 Manlalarong Batangueño, Tumanggap ng Allowance
November 24, 2018

November 21, 2018

Bilang isa sa mga estratehiya, tinututukan sa ngayon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa pamamagitan ng Provincial Anti-Drug Abuse Council o PADAC na pinamumunuan ni Governor Hermilando I. Mandanas, tagapangulo ng PADAC, ang tinatawag na “demand reduction” o pagbawas sa pangangailangan sa droga.

Ayon sa pag-aaral ng mga awtoridad, ang pinakamabisang paraan para sugpuin ang pagkalat o pagdami ng gumagamit ng bawal na gamot ay ang mabawasan ang demand sa droga na may kinalaman sa pagsusupply nito hangang sa tuluyang mawala ang mga manufacturers, distributors, suppliers kasama na ang mga pushers.

Ang nasabing konseho, sa pangunguna ni Dr. Amante A. Moog, ay nagsagawa ng mga programa, proyekto at aktibidad kabalikat ang tatlong dibisyon ng pagpapatupad na mayroon ito gaya ng Barangay/Community Affairs Development (B/CAD) Division, Youth and Sports Development (YSD) Division at Public Employment Services Office (PESO) upang maipaunawa sa mga barangay officials, volunteer workers, In at Out-of-School Youths ang kahalagahan na malaman ang problema at epekto nito sa pamayanan at tuluyang ipabatid sa kanila ang masamang dulot ng bawal na gamot at kung paano ito maiiwasan.

Hinihikayat ng gobernador na makiisa ang lahat ng Batangueño o sinumang hindi taga-lalawigan na magkalakas ng loob na sabihin sa mga kinauukulan gaya ng lokal na opisyal ng barangay, namumuno sa munisipyo o sa city hall ang mga kahina-hinalang personalidad na may kakaibang kinikilos kundi man ay bago sa lugar na baka mga taong siyang gumagawa, nagsusupply, gumagamit o pusher ng bawal na gamot upang mabilisang maaksiyunan/masugpo lahat para sa katiwasayan ng ating kapaligiran.

Ang pakikiisa ng lahat ang tunay na solusyon sa problemang ito upang makamit natin ang minimithing malayang lalawigan sa epekto ng ipinagbabawal na gamot sa taong 2025, pagbibigay-diin pa ni Governor Mandanas. ✎Jhun Magnaye/Dado Macalintal – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.