Dairy Cattle Production sa Batangas, Tinalakay sa 7th World Bank Mission sa South Luzon Cluster

4th Quater Meeting ng mga Konseho ng Kababaihan at Kabataan, Isinagawa
November 26, 2018
Gov. Dodo, Nanguna sa Panunumpa ng Soroptimist Kabatangueña Officers
November 27, 2018

November 27, 2018

Kilala ang Lalawigan ng Batangas sa pagkakaroon ng pinakamataas na kontribusyon sa produksyon ng gatas sa buong CALABARZON, ngunit sa kabila nito, may mga suliranin pa ring kinakaharap ang mga dairy farmers gaya ng pagtugon sa kanilang mga pangangailangan at demand sa magandang lahi ng dairy cattle.

Kaugnay nito, nagkaroon ng isang Site Visit at Consultation/Dialogue kaugnay ng 7th World Bank Implementation Support Mission sa South Luzon Cluster, na pinangunahan ng kinikilalang pioneer sa larangan ng milk production sa probinsya, ang BADACO o Batangas Dairy Cooperative, na may layuning maihayag ang kanilang misyon at adhikain. Ito ay ginanap noong ika-26 ng Nobyembre 2018 sa Brgy. Inosluban, Lipa City, Batangas.

Ang nasabing pagtitipon ay personal na dinaluhan ni Governor Dodo Mandanas kasama sina Provincial Cooperative, Livelihood and Enterprise Development Officer, Gng. Celia L. Atienza; Provincial Veterinarian, Dr. Romelito R. Marasigan; Provincial Agriculturist, Engr. Pablito A. Balantac; at mga kawani na naging representante ng ilang departamento ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas.

Nagsilbing resource person sina Mr. Doug Forno, Institutions Specialist ng World Bank at Mr. Joey Ternate, BADACO BOD Member.

Naging unang paksa sa pagpupulong ang layunin ng BADACO na mapataas pa ang milk production sa lalawigan ng 20% kada taon sa pamamagitan ng breeder-based dairy cattle production. Isa rin sa pinagtutuunan ng pansin ang pagbibigay ng oportunidad sa rural farm families o mga small scale dairy farmers, kasama ang rural women, upang makiisa sa produksyon ng fresh milk, raw milk at processed milk bilang mga pangunahing produkto.

Bahagi rin ng kanilang layunin na mapataas pa ang kanilang net income sa mga susunod na taon at magkaroon ng isang sustainable market.

Sa usapin naman ng expansion o upgrading, nagdaos ang BADACO ng isang dayalogo o pag-uusap sa mga kinatawan ng World Bank at ilang mga pribadong kompanya na makatutulong sa pagbibigay ng ayuda patungkol sa key infrastructure and facilities, teknolohiya at impormasyon tungo sa pagkakaroon ng mas mataas na produksyon, kita at kakayahang makipagsabayan sa dairy cattle industry sa bansa.

Samantala, sa huling bahagi ay nagkaroon ng isang farm visit kasama ang lahat ng mga partisipante ng ginanap na pagtitipon. ✎Mark Jonathan Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.