August 20, 2019
Isa sa mga Barangay / Farm to Market Roads na isinasagawa sa iba’t-ibang bahagi ng lalawigan ang kalsadang ito, na 189-metro ang haba, sa Barangay Bayawang sa Bayan ng Rosario, natapos ang konstruksyon noong ika-16 ng Mayo 2019.
Kabilang ito sa mga proyektong pang-imprastraktura ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Provincial Engineering Office (PEO), sa pangunguna ni Gov. DoDo Mandanas. Jun Magnaye / Photo: PEO – Batangas Capitol PIO