DA, Capitol Officials, Batangueño Egg Producers Nakiisa sa World Egg Day Celebration

Karagdagang Medical Professionals Kinakailangan ng Batangas Laban sa COVID-19
October 17, 2020
Blood-letting sa Batangas Capitol, Nakaipon ng 40 bags ng Dugo
October 18, 2020

October 18, 2020

Agri Officials Namahagi ng Tulong sa San Nicolas

Pinapurihan ni Gov. DoDo Mandanas ang mga egg farmers ng Lalawigan ng Batangas at ang halaga ng nasabing industriya sa pagdiriwang ng World Egg Day, kasama ang mga opisyal ng Department of Agriculture (DA), Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas at Batangas Egg Producers Cooperative (BEPCO).

Sa isang hybrid assembly na isinagawa sa People’s Mansion, Capitol Compound, Lungsod ng Batangas noong ika-13 ng Oktubre 2020, pinasalamatan ni Gov. Mandanas, na tumatayo ring CALABARZON Regional Development Council (RDC) Chairperson, ang lahat ng mga stakeholders ng egg industry sa lalawigan sa patuloy na pagkilos upang lalo pang mapalakas ito.

Aniya, ang pamahalaan ay buo ang suporta upang mas mapaunlad pa ang industriya ng itlog.

Personal na dumalo sa pagtitipon sina DA Secretary William Dar at DA-4A Regional Director Engr. Arnel V. de Mesa, na ibinalitang nilagdaan na ng kalihim ng DA ang order na kinikilala ang Bayan ng San Jose bilang Egg Processing Capital ng bansa.

Inilatag naman ng BEPCO sa mga opisyal ng provincial government at DA-4A ang kanilang mga plano para mapalago pa ang local egg production at egg byproducts sa pamamagitan ng proposed Roadmap for Resilient and Sustainable Philippine Chicken Egg Industry.

Naging pagkakataon din ito upang mailatag ng Capitol officials, sa pangunguna ni Gov. Mandanas, kay Sec. Dar ang mga plano para magkaroon ng sustainable food supply ang lalawigan sa panahong ito ng COVID-19 pandemic. Tinalakay rin ni Provincial Administrator Levi Dimaunahan sa pamunuan ng DA ang Provincial Economic Recovery Program.

Naipakita rin sa DA officials ang proposed site ng proyektong Regional Food Terminal ng pamahalaang panlalawigan sa Sta. Rita, Lungsod ng Batangas.

Pagkatapos nito, tumulak ang mga opisyal ng agrikultura sa Bayan ng San Nicolas, kung saan ipinamahagi nila ang tulong ng kagawaran sa mga magsasaka at mangingisda rito na naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal noong Enero 2020 at ng kasalukuyang pandemya. Kabilang sa mga ibinigay sa mga Batangueñong benepisyaryo ang mga seedlings, fertilizer at iba pang gamit pang-agrikultura.

Naging katuwang sa aktibidad ang Provincial Agriculture Office, sa pangunguna ni Engr. Pablito Balantac. Nauna nang nakapagbigay ng ayuda sa mga nasalantang magsasaka at mangingisda sa mga Bayan ng Talisay at Agoncillo.

Vince Altar – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.