COVID-19 PCR Molecular Testing Laboratories sa Batangas Province, Madaragdagan pa

Notice of Award – Purchase and delivery of medical supplies (Bed sheet fitted plain white, 60×75, etc.) to be used by COVID-19 patients in isolation facility of 12 district hospital re: Management Control on Corona Virus Disease 2019
September 18, 2020
Notice of Award – Purchase and delivery of disinfectant spray, big and Hepa Air filter, heavy duty for use in the Provincial Government of Batangas in the Management Control of COVID-19
September 18, 2020

September 18, 2020

Nakahanay na sa mga susunod na araw ngayong buwan ng Setyembre 2020 ang serye ng mga pagpupulong sa pagitan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas at ng mga kinatawan ng mga pribadong medical technology companies para sa mga hakbang upang makapagtayo ng mga COVID-19 testing laboratories sa iba’t-ibang distrito ng Lalawigan ng Batangas.

Ito’y matapos bigyang-diin ni Governor DoDo Mandanas ang halaga ng pagpapalakas pa lalo ng testing and tracing capacity ng lalawigan sa isinagawang pagpupulong ng Batangas COVID-19 Inter-Agency Task Force noong ika-14 ng Setyembre 2020, kung saan itinalaga nito si Provincial Health Officer, Dr. Rosvilinda Ozaeta, na manguna sa mga isasagawang pag-uusap.

Ayon sa gobernador, mahalagang matutukan ng Batangas IATF ang pagpapalawig ng testing capacity nito upang epektibong mapaganap ang pangangalaga sa publiko at maiwasan ang malawakang pagkalat ng corona virus.

Sa nauna nang presentasyon ng mga serbisyong hatid ng mga nasabing medical technology firms, inilahad ng Batangas governor na ang mga PCR-Molecular laboratories na nakaplanong itayo sa lalawigan ay kayang magproseso ng malakihang bilang ng specimens sa loob lamang ng 24 na oras. Bukod pa dito, mas mababa ang kanilang processing fee na tinatayang aabot lamang sa halagang ₱3,500, na mas mababa sa karaniwang binabayaran sa mga pribadong PCR Molecular Testing labs sa CALABARZON Region.

Sa oras na maisaayos ito, balak ng pamahalaang panlalalwigan na ilagay ang isa sa mga ito sa Laurel District Hospital sa Lungsod ng Tanauan dahil sa malapit ito kung saan mataas ang populasyon ng mga manggagawa sa malalaking industrial zones, na target ng mga mass testings, sa mga karatig na Bayan ng Malvar, Lipa City at Sto. Tomas City, ganun na rin sa ilang mga munisipalidad at lungsod ng mga Lalawigan ng Cavite, Laguna at Quezon.

Ayon kay Governor Mandanas, nakahandang magbigay ang pamahalaang panlalawigan ng mga lugar para sa laboratory space and facilities, ganun din ng mga kakailanganing medical personnel at technician na magsasagawa ng mga testing, specimen collection at laboratory procedures.

Patuloy din ang pag-papaala-ala sa publiko na mahigpit na sundin ang itinakdang health protocols ng pamahalaang nasyunal.

Sa Kapitolyo, ipinalabas nito ang Administrative Order No.2 HIM-03Series of 2020 na iniaatas sa mga kawani ng ang mandatory wearing of face mask and face shield sa mga lahat na opisyal na tanggapan ng pamahalaan upang magkaroon ng karagdagang proteksyon ang mga kawani at ang publiko.

Edwin V. Zabarte – Batangas PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.