COVID-19 Emergency sa Isang Barko sa Batangas Port, Inaksyunan ng IATF

Notice of Vacant Position
August 11, 2021
MINUTES OF THE PRE-BID CONFERENCE FOR THE IMPLEMENTATION OF VARIOUS INFRASTRUCTURE PROJECTS AND PRE-PROCUREMENT CONFERENCE FOR THE SUPPLY AND DELIVERY OF GOODS OF THE PROVINCIAL GOVERNMENT OF BATANGAS HELD ON AUGUST 12, 2021, 10:00 A.M. VIA ZOOM CONFERENCE
August 12, 2021

August 11, 2021

Matinding tinututukan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas at Batangas Inter–Agency Task Force against COVID-19 ang isang emergency situation na kinasasangkutan ng isang domestic vessel na pag-aari ng 2GO Shipping Lines na ngayon ay nakaangkla sa karagatang sakop ng Bauan.

Ayon sa mga detalyeng isinumite at inihayag ng Philippine Coast Guard at Maritime Industry Authority (MARINA), ang mga ahensyang nagbabantay sa mga port of entries sa bansa, dumaong ang nasabing barko sa Batangas International Port, Lungsod ng Batangas noong ika-1 ng Agosto at nakitaan ng sintomas ang mga crew nito.

Agad na tumugon ang mga ahensyang kasapi ng Batangas IATF, para aksyunan ang pangyayari sa pamamagitan ng paglalaan ng maayos na transportasyon, at koordinasyon sa pagsasagawa ng RT-PCR testing at isolation procedures para sa mga pasyente, na isinagawa sa pamamagitan ng One Hospital Command Center ng Department of Health.

Batay sa naging ulat ng kinatawan ng 2GO noong ika-7 ng Agosto 2021, lumabas na may kabuuang 29 crews na ng barko ang positibo sa COVID-19. Mula sa nasabing bilang, 3 dito ang kasalukuyang naka-confine na sa mga ospital, 1 ay nasa isolation facility, at ang 25 na tripulante, na huling napag-alaman na nagpositibo sa sakit, ay nananatili pa rin sa barko.

Tiniyak naman na ang mga ito ay naka-isolate sa iba pang mga natitirang crew nang sa gayon ay mapigilan o hindi na magkaroon ng malawakang transmission ng virus.

Sa impormasyong inihayag ni Provincial Health Officer, Dr. Rosvilinda Ozaeta, sa Batangas IATF at Provincial Health Board Meeting, na pinamumunuan ni Governor DoDo Mandanas, inihahanda na ng mga kinauukulan ang mga pasyente para sa maayos na paglilipat ng mga ito sa mga accredited isolation facilities.

Sa kasalukuyan, isinasagawa na rin ng mga medical personnel ang health assessment ng mga pasyente kung kinakailangang dalhin ang iba rito sa ospital.

Samantala, inaprubahan na umano ng Batangas IATF ang kahilingan para sa isang embarkation request ng nasabing barko para makapagsagawa ng medical check-up ang mga duktor sa crew.

Isinumite na rin ng mga opisyal ng 2GO ang manifesto ng barko upang makatulong sa isasagawang medical procedures at contact tracing.

Edwin V. Zabarte – Batangas PIO-CAPITOL

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.