Coop Month Celebration ng PCLEDO, Handa Na

Notice of Vacant Positions
September 29, 2017
Batangas Province Tumanggap ng Ayuda para sa Sustainable Livelihood Program
October 3, 2017

October 3, 2017

Punong puno ang schedule ng Provincial Cooperative, Livelihood, and Enterprise Development Office (PCLEDO) sa pagdiriwang ng Cooperative Month ngayong Oktubre 2017, na may temang, “KooPagbabago: Pagsulong at Pag-unlad para sa lahat”at “Cooperatives: Empowering the Poor and the Vulnerable towards job creation and poverty eradication.”

Sa pangunguna ng kanilang Department Head, Ms Celia Atienza, ibinahagi ng PCLEDO ang kanilang mga nakalinyang mga activities para sa Batangas Province, kaugnay ng taunang selebrasyon ng mga kooperatiba sa buong bansa na itinakda ng Presidential Proclamation No. 493, Series of 2004.

Kabilang sa mga nasabing gawain ang:  Koop Quiz 9th Blast, na ang hangarin ay matutunan at maintindihan ng mga mag-aaral ang tungkol sa cooperative movement, mga batas na sumasaklaw dito at ang kasaysayan ng kooperatiba sa Batangas Province na nakapailalim sa patuloy na adbokasiya at edukasyon.

Rich Coop Award, na kikilala sa mga magagandang nagawa at accomplishments ng mga cooperatives at mga leaders at officers nito. Sa pamamagitan nito, nais ipagmalaki ng PCLEDO ang mga modelo ng kahusayan sa larangan ng koopertiba.
MOA signing at launching ng Credit Surety Fund Cooperative. Sa bisa ng Credity Surety Fund Cooperative Act of 2015 o Republic Act 10744, na nagtatakda sa pagbuo at pag organisa ng CSF cooperatives na mamamahala sa credit surety funds, pormal nang itatatag ang isang CSF cooperative para pangasiwaan ang CSF program sa mga kooperatiba sa Lalawigan ng Batangas, katulong ang PCLEDO.

Malasakit Batangueno, a Campaign for HELP for Marawi.  Ito ay isang pagsisikap upang makakalap ng tulong para sa mga kababayang naapektuhan ng digmaan sa Marawi.

MSMED Council Launch.  Ang pagbubuo ng Micro, Small and Medium Enterprise Development Council, sa pamamagitan ng PCLEDO, ay naglalayong itaguyod ang entrepreneurship sa pamamagitan ng pagbibigay ayuda na makatutugon sa mga problema at pangagailangan ng mga nagsisimula sa pagnenegosyo.  Magkakaroon din ng product exhibit upang makatulong sa mga MSMEs na makilala ang kanilang mga produkto, magbuo ng mga samahan at sector ng mga mamimili.

Search for Cooperative Ambassadors at Ambassadress. Sa pangunguna ng Cooperative Union of Batangas, ang pageant ay isasagawa upang magkaroon ng pagkakataon ang mga miyembro ng kooperatiba na maipamalas ang kanilang talino, galing, communication skills, at community involvement.

Cooperative Fun Day. Ito ay isang araw na nakalaan para makapag relax, makapaglaro at makisalamuha ang mga cooperative members sa mga creative at physical activities.  Vince Altar – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.