Cong. Nograles ng Davao City, Bumisita sa Lalawigan ng Batangas

Notice of Vacant Positions
March 2, 2018
Executive Planning ng mga Opisyal ng Batangas Provincial Government Isinagawa
March 6, 2018

Lumaking Davaoeño, Dugong Batangueño. Mainit na tinanggap ng pamunuan at mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna nina Gov. Dodo Mandanas at mga Sangguniang Panlalawigan Board Members, si Congressman Karlo B. Nograles ng 1st District ng Davao City na naging bisita sa isinagawang Flag Ceremony noong ika-5 ng Marso 2018 sa Provincial Auditorium, Capitol Site, Batangas City. Kasama rin sa larawan si dating Congressman Dong Mendoza at Provincial Administrator Levi Dimaunahan. Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

March 5, 2018

Mainit ang naging pagtanggap ni Gov. Dodo Mandanas at ng bumubuo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas kay Congressman Karlo B. Nograles ng 1st District ng Davao City na naging bisita sa isinagawang Flag Ceremony noong Lunes ika-5 ng Marso 2018 sa Provincial Auditorium, Capitol Site, Batangas City.

Sa mensahe ni Cong. Nograles, na Chairperson ng Committee on Appropriation ng House of Representatives, ikinuwento niya ang lahing Batangueño ng kaniyang pamilya.  Ibinahagi rin niya ang mga magagandang balita mula sa pamahalaang nasyunal. Isa na rito ay ang nakatakdang pagpapatupad ng Republic Act 10931 na magsisiguro na sa darating na Hunyo ay libre na ang matrikula at miscellaneous fee para sa mga mag-aaral ng lahat ng State Universities at Colleges, Local Universities at State-Run Technical Vocational Institutions.

Bukod dito, magkakaroon din ng libreng Irrigation Service Fee sa mayroong 8 ektaryang lupang sakahan pababa alinsunod sa Republic Act 10969 o ang “Free Irrigation Service Act.” Gayundin, ipinaliwanag niya na ang lahat ng may utang sa National Irrigation Administration (NIA) ay abswelto na.

Dagdag pa nito, siniguro ng anak ni dating Speaker Prospero Nograles na hindi mabibitin sa imprasktraktura at iba pang mga proyekto ang Lalawigan ng Batangas sapagkat buong lakas ang suporta na kanilang ibibigay.

Sa huli, binigyang papuri ni Nograles ang pamumuno ni Gov. Dodo Mandanas na nagtataglay aniya ng mga katangian ng tunay na Batangueño na katapangan, kalakasan at katapatan sa lalawigang kanyang pinaglilingkuran. Pinasalamatan din niya ang Batangas governor sa kanyang paanyaya na makasama ang mga opisyal at empleyado ng Kapitolyo.

Ma. Cecilei C. De Castro at Almira M. Eje – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.