Company Expansion ng JG Summit, Tinalakay

Mga Kabataan, mas Bibigyang Atensyon
November 17, 2017
Mga Diabetiko, Bumida Sa Isang Proyekto
November 17, 2017

November 17, 2017

Ginanap ang isang pampublikong pagdinig na pinamunuan ng Department of Environment and Natural Resources-Environment Management Bureau (DENR-EMB) para sa bagong proyektong ilulunsad ng JG Summit sa Brgy. Simlong, Lungsod ng Batangas.

Dumalo sa pagdinig ang mga kinatawan mula sa Tanggapan ng Punong Lungsod ng Batangas City, Batangas City Environment and Natural Resources Office (CENRO), mga opisyal ng barangay, non-government organizations at mga residente mula sa Brgy. Pinamucan Ibaba, Brgy. Pinamucan Proper at Brgy. Simlong.

Layunin ng JG Summit na maihayag sa publiko ang kanilang expansion project sa kanilang polymer plant at naphtha cracking plant.

Sa public hearing, inalam at pinakinggan ng kumpanya ang mga opinyon at agam-agam ng mga apektadong residente sa kanilang isasagawang proyekto.

Kaakibat nito, isinaad ng JG Summit na sa pagtatayo ng mga bagong planta katulad ng Ground Flare System at upgrading ng flaring facilities upang malunasan ang problema at hinaing ng mga mamamayan ukol sa maiitim na usok at init na lumalabas mula rito.

Ibinahagi naman ng naturang kompanya ang tulong na naibibigay nila sa mga nabanggit na barangay tulad ng Medical Missions, Medical Equipment Donations, Tree Planting, Artificial Reef Project, Feeding Program, Relief Operations at Ambulance Donations na bahagi ng kanilang Socio-Community Projects.

Para sa inaasahang pagsisimula ng proyekto sa taong 2019 hanggang 2021, tinatayang 3000-5000 katao ang mabibigyan ng trabaho na mula sa mga nasabing barangay at sa iba pang kalapit bayan sa lalawigan.

Nangako ang JG Summit na hindi sila magsasagawa ng operasyon hangga’t hindi pa nabibigyan ng ECC o Environmental Compliance Certificate ang kanilang kompanya para sa pagsisimula ng nasabing proyekto. /Batangas Capitol PIO – Nicole B. Bermas, Criseanne Aira M. Garcia.

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.