Community Kitchen, Handog sa mga Taal Evacuees sa Talaibon Interim Homes

CALABARZON State of Calamity, Idineklara ni Pang. Duterte
March 3, 2020
Mga Pangkabuhayang Pagsasanay para sa Taal Volcano Evacuees, Isinasagawa na
March 4, 2020

March 4, 2020

Upang makapagdulot ng masustansiyang pagkain para sa mga evacuees, kasabay ang pagtuturo sa wastong paghahanda at pagluluto nito, itinayo ng Jollibee Group Foundation (JGF), katuwang ng Pamahalaang Panlalawiganng Batangas, ang Food AID Community Kitchen sa interim resettelement site sa Brgy. Talaibon, Ibaan, Batangas.

Nagsimula ang operasyon ng Community Kitchen noong ikatlong linggo ng Pebrero, at magkakatulong na pinatatakbo ng mga volunteers mula sa mga pamilya ng mga evacuees, mga kinatawan ng Anihan Technical School, isang vocational institute na layuning itaguyod ang kaunlaran ng mga kababaihan, at Bangko Kabayan.

Ang mga kagamitan at mga nilulutong pagkain, sangkap at panahog sa nasabing kusina ay mula sa JGF. Dalawang beses sa isang araw nagluluto dito na pinagsasaluhan ng mahigit 400 na pamilya o 1,200 na mga indibidwal.

Ayon Ms. Jovie Cervantes, isa sa mga Anihan volunteers, malaki ang naitutulong ng JGF sa mga evacuees dahil natuturuan silang magluto ng wasto at masustansya. Sumailalim din ang mga nagboluntaryong evacuees sa mga pagsasanay patungkol sa malinis at maayos na pagluluto. Nagkaroon din ng medical at physical fitness examination bago naging bahagi ng community kitchen.

Dagdag pa ni Cervantes, sana ay maisabuhay ng mga evacuees ang kanilang mga natutunan sa kani-kanilang mga tahanan, at maging matalino sa mga ipinapakain sa kanilang mga kapamilya.”

Nakatakdang magkaroon ng isang pormal na turn-over ng Food AID Community Kitchen sa pamahalaang panlalawigan, sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office sa Marso 7, 2020.

Junjun Hara De Chavez, Photo: Eric Arellano – Batangas PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.