Commercial fishing vessel para sa Recto Bank Survivors iginawad

High Value Crop training, ginanap sa San Pascual
September 24, 2019
“Safe Blood for all ”, tema ng 5th Batangas Blood Council Poster Making Contest
September 25, 2019

September 24, 2019

Isa sa mga naging saksi si Batangas Governor DoDo Mandanas nang ipagkaloob ng Jucheng Capital Group ng Shanghai, China ang Certificate of Ownership ng isang commercial fishing vessel sa Recto Bank Survivors Fisher Association sa tanggapan ng Philippine Ports Authority sa Batangas International Port, Lungsod ng Batangas noong ika-22 ng Septyembre 2019.

Tinanggap ni F/B Gem Ver 1 Captain Junel Insigne ang sertipiko sa isang turn-over ceremony na dinaluhan ng mga opisyal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources – MIMAROPA; mga kinatawan ng Lokal na Pamahalaan ng San Jose, Oriental Mindoro; mga opisyal ng Shanghai Jucheng Capital Group, sa pangunguna ng Founder and Chairperson na si Xue Chengbiao; Philippine Special Envoy for Public Diplomacy to China Ramon Tulfo; at Department of Energy Secretary Alfonso Cusi.

Ang nasabing fishing vessel ay inaasahang magagamit sa pamamalakaya at muling pagbabalik sa pangingisda ng mga survivors ng insidente noong Hunyo 2019 na naganap sa Recto Bank, Palawan, kung saan nawasak ang banka ng mga mangingisda mula Mindoro matapos mabangga ng isang Chinese boat.

Bryan Mangilin – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.