Child Development Workers Day, ipinagdiwang

Batangueño Summa Cum Laude graduates sa UP Diliman, binigyang pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan
July 15, 2019
Batangueño Math Wizards, kinilala sa Kapitolyo
July 15, 2019

July 15, 2019

Ipinagdiwang ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang Child Development Workers’ Day, sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office, noong ika-12 ng Hulyo 2019 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City.

Sa gabay ng temang “CDW: Katuwang Tungo sa Magandang Kinabukasan,” naging tampok sa selebrasyon, na dinaluhan ng isang libo at dalawang daang CDWs mula sa anim na distrito ng lalawigan, ang paggawad ng parangal sa mga natatanging CDW sa Lalawigan ng Batangas.

Kinilalang Most Outstanding Child Development Worker 2019 si Gng. Marilou L. Barte ng Soro-Soro Child Development Center ng Batangas City, na nakatanggap ng Plake ng Pagkilala at ₱20,000. Pumangalawa si Gng. Nenita M. Tolentino ng Calansayan Child Development Center ng Bayan ng San Jose, Batangas, na tumanggap ng plake at ₱15,000. 3rd Placer si Gng. Edna N. Cabatay ng Pangao Child Development Center ng Ibaan, Batangas na tumanggap ng plake at ₱10,000. 4th Placer naman si Gng. Rexy M. Macatangay ng Abiacao Child Development Center ng San Luis, Batangas na tumanggap ng plake at ₱7,000.

Sa mensahe ni Gov. DoDo Mandanas, kanyang binigyang-diin na isang malaking karangalan, sakripisyo at responsibilidad ang nakaatang sa mga Child Development Workers upang mahasa at maturuan ng maayos ang mga bata sa buong lalawigan ng Batangas. Dahil dito, ang pamahalaang panlalawigan aniya ay bukas sa anumang maaaring maitutulong sa mga huwarang CDWs.

Nagpasalamat si Ms. Jocelyn Montalbo, Provincial Social Welfare Department Office, Department Head sa mga dumalo at naging bahagi ng CDW Celebration. Aniya, ang pagmamahal, pagkalinga at pagrespeto sa Child Development Workers ay patuloy na ipapadama ng pamahalaang panlalawigan.

Kabilang sa mga nakiisa sa pagdiriwang sina Vice Governor Mark Leviste; 6th District Board Member Aries “Bibong” Mendoza; 5th District Board Member Claudette Ambida Alday; 1st District Board Member Glenda Bausas; 1st District Board Member Junjun Rosales, na Chairperson ng Committee on Social Welfare; BM Willie Maliksi ng Liga ng mga Barangay; Provincial Social Welfare and Development Office Chief Joy Montalbo; at mga opisyal ng Department of Education at DSWD. – Jun–Jun De Chavez, – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.