Cavite-Tagaytay-Batangas Expressway Project, Ipinrisinta sa PDC Meeting

Pagpapatayo ng Local College ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, Tinalakay sa PDC Meeting
February 6, 2021
Online Medical Check-up para sa mga PDL, Isinagawa ng Provincial Health Office
February 6, 2021

February 6, 2021

Iniulat ng Metro Pacific Tollways Corporation(MPTC) at Metro Pacific Tollways South Corporation(MPTSC) ang Proposed Cavite-Tagaytay-Batangas Expressway (CTBEX) Project sa ginanap na virtual assembly meeting ng Batangas Provincial Development Council, na pinangunahan ni Gov. DoDo Mandanas, noong ika-21 ng Enero 2021.

Ang naturang proyekto ay may habang 50.43 km na mag-uugnay sa Cavite at Batangas at magsisilbing daan upang magkaroon ng mas direktang access ang Batangas Province sa mga bayan ng Cavite, at makatulong sa pagpapaunlad ng mga bayan na babagtasin nito.

Ang proyekto, na may total budget na ₱25.2 Bilyon, ay nahahati sa 3 sections. Ang Section 1 ay may habang 18.10 km, mula Silang, Cavite hanggang Tagaytay Spur; ang Section 2 ay may habang 9.96 km, mula sa Mendez , Cavite hanggang Magallanes, Cavite; at ang Section 3 ay may habang 22.37 km mula Magallanes, Cavite hanggang Nasugbu, Batangas. Sa kabuuan, ito ay may 8 interchanges at 2 Spur roads.

Ang mga barangay ng Kaylaway, Aga, Tumalim, Banilad, Bilaran, Reparo, at Lumbangan sa Bayan ng Nasugbu ang madadaanan ng nasabing proyekto.

Sa oras na makumpleto ang proyekto, tinatayang mababawasan ang oras na gugugulin sa biyahe ng mga sasakyan. Ang biyaheng Manila hanggang Tagaytay, na kumukunsumo ngayon ng 1 oras at 48 minuto, ay magiging 55 minuto na lamang. Ang biyahe naming mula Manila hanggang Nasugbu, na gumugugol ng 2 oras at 45 minuto, ay magiging 1 oras at 15 minuto na lamang. Dahil sa nabawasang oras ng biyahe ay mababawasan ang traffic load sa mga pangunahing daan at makatitipid sa operation cost ang mga may-ari ng sasakyan.

Inaasahan din itong makatulong sa employment generation, income growth, increase of property valuation due to future developments, improved tourism, and improved transportation of goods and services. Dagdag pa nila, ito ay sinang-ayunan na ng Sangguniang Bayan ng Nasugbu sa pamamagitan ng kanilang endorsement.

Ayon kay Mr. Benjie Bausas, PPDC/PPMC Chairperson, ang CTBEX project, na inaasahang masisimulan sa Hulyo 2021 at tinatayang matatapos sa taong 2027, ay nagpag-aralan na ng kanilang tanggapan.

Ipinahayag ng gobernador ang kanyang pag-apruba sa nasabing proyekto at inatasan ang konseho na agad itong iendorso sa Regional Development Council.

Elfie Ilustre / Photo: PDC Zoom Meeting – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
71

Comments are closed.