Camarines Environmental Planners Naghatid ng Tulong Taal

SITUATIONAL REPORT NO. 117 RE: EFFECTS OF TAAL VOLCANO ERUPTION 25 FEBRUARY 2020, 1700H
February 25, 2020
Epekto ng Pagputok ng Bulkang Taal sa Turismo sa Batangas, Tinalakay
February 25, 2020

February 25, 2020

Personal na pinasalamatan ni Gov. DoDo Mandanas ang Philippine Institute of Environmental Planners (PIEP) – Camarines Chapter na naghatid ng donasyon para sa mga Batangueño na naapektuhan ng Taal Volcano Eruption noong ika-24 ng Pebrero 2020 sa Provincial Auditorium, Capitol Site, Lungsod ng Batangas.

Ang mga kinatawan ng PIEP – Camarines ay pinangunahan ni Ms. Elena B. Austria, Chapter President at Department Head ng Provincial Planning and Development Office ng Camarines Norte, na nagbigay ng 20 na sako ng bigas.

Naisakatuparan ang pagbahagi ng tulong sa pamamagitan ng koordinasyon ng PIEP – Batangas, na pinamumunuan ni Chapter President, Engr. Mario Samson.

Ang PIEP ay isang non-governmental, non-profit, at professional organization na nagtataguyod at nagsusulong ng mga pag-aaral, kasanayan at pagpapaunlad ng environmental planning sa bansa.

Shelly Umali – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.