Calatagan Sea Weeds Coop, Tumanggap ng P3M mula sa PRDP, Batangas Capitol

309 Estudyante, Nabigyan Ng Educational Assistance
September 12, 2018
BM Blanco: Pagkasira ng Ilog Calumpang dapat nang Aksyunan
September 12, 2018

September 12, 2018

Katuwang ang Philippine Rural Development Project (PRDP) ng Department of Agriculture, iginawad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang halagang PhP 3 Milyon sa Batangas Seaweeds Farmers Association (BASEFA) ng bayan ng Calatagan noong ika-10 ng Setyembre 2018 sa Bulwagang Batangan, Capitol Compound, Batangas City.

Pinangunahan ang turn-over ng nasabing PRDP fund nina Batangas Gov. Dodo Mandanas at Provincial Cooperative, Livelihood and Enterprise Development Officer Celia L. Atienza, na siya ring Investment in Rural Enterprises and Agricultural and Fishery Productivity (I-REAP) component head ng pamahalaang panlalawigan.

Sa pamamagitan nito, inaasahang makagagawa ng mahigit dalawang daang libong kilo ng raw dried seaweeds ang nasabing kooperatiba, na makapagdadagdag sa kita ng seaweeds farmers ng 32%. Dahil sa proyektong ito, napoprotektahan din ang karagatan mula sa iligal na pangingisda at iba pang mga mapaminsalang gawain dahil sa masusing pagbabantay ng mga kooperatiba sa kanilang kinukulturang sea weeds.

Ang PRDP ay pinopondohan ng World Bank, pamahalaang nasyunal at ka-partner na LGUs, na obligadong maglabas ng counterpart fund para sa mga pagawain sa kanilang lokalidad. Sa pamamagitan ng PRDP, inaasahang makapagtatayo ng isang plataporma ng gobyerno para sa makabago, climate-smart, and market-oriented na agri-fishery sector. ✎ Louise Mangilin, Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.