CALABARZON State of Calamity, Idineklara ni Pang. Duterte

Kampanya Laban sa ASF, mas Pinaigting pa sa Batangas Province
March 3, 2020
Community Kitchen, Handog sa mga Taal Evacuees sa Talaibon Interim Homes
March 4, 2020

March 3, 2020

Pondo ng National Gov’t. mas Bukas para sa Tulong sa mga Apektadong Komunidad

Tulong Mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, Tuloy pa rin

Isinailalim sa State of Calamity ang buong Regiov IV-A (CALABARZON), bunsod ng malaking pinsala na dala ng pagputok ng Bulkang Taal noong ika-12 ng Enero 2020.

Sa ilalim ng Proclamation No. 906, na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Pebrero 21, nakasaad na mabibigyan ng mas malawak na access sa pondo na nakalaan sa rescue, recovery, relief at rehabilitation efforts ang pamahalaang nasyunal at ang mga lokal na pamahalaan sa CALABARZON na magagamit sa mga lugar na nasalanta ng pagsabog ng bulkan, alinsunod sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Inatasan ng pangulo ang lahat ng mga ahensya ng gobyerno na makipag-ugnayan sa mga lokal na opisyal sa CALABARZON para matiyak na sapat ang mga isinasagawang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga apektadong lugar, habang inatasan rin ang militar at pulisya na tiyakin ang kaayusan at seguridad dito.

Nauna nang idineklara bilang nasa State of Calamity ang buong Batangas Province noong January 13, 2020 sa pamamagitan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, isang araw matapos pumutok ang bulkan.

Sa ilalim ng state of calamity, kontrolado ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga lugar na naapektuhan ng pagsabog ng bulkan, na magiging epektibo sa loob ng isang taon maliban kung maglabas ng panibagong anunsyo ang pamahalaan.

Kaugnay nito, sa harap ng inaasahang mas maraming tulong, binigyang-diin ni Gov. DoDo Mandanas na mas higit pang pag-iibayuhin ng pamahalaang panlalawigan ang mga gawain sa pagpapaabot ng karampatang ayuda sa mga apektadong indibidwal at komunidad.

Kasalukuyang ipinamamahagi ang tulong pinansyal sa iba’t ibang bayan at lungsod, sa serye ng Shelter Assistance, Cash for Work, Aide to Barangays at Honorarium.

On-going na rin ang mga pagsasanay para sa mga livelihood opportunities, na inaasahang malaki ang maitutulong sa muling pagbangon ng mga naapektuhang Batangueño, ganun din ang mga proyektong pabahay.

Marinela Jade Maneja, Photos: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.