Buntis Congress, isinagawa sa Tingloy

Batangueña Palarong Pambansa Volleyball Champs, pinarangalan sa Kapitolyo
June 10, 2019
Batangueño Farmers tinuruan ng Inbred at Hybrid Rice Model Farming
June 10, 2019

June 10, 2019

Katuwang ang Pamahalaang Bayan ng Tingloy, isinagawa ng Batangas Provincial Health Office ang Buntis Congress 2019, na may temang “Pag Healthy si Nanay, Maganda ang Buhay,” noong ika-6 ng Hunyo 2019 sa Tingloy Rural Health Unit, Barangay 14, Tingloy, Batangas.

Kaugnay ito ng kampanya ng Department of Health (DOH) para sa Good Maternal Health Care, na naglalayong patuloy na bigyan ng wastong kaalaman at kamalayan ang mga kababaihang buntis upang masuportahan ang kalusugan at nutrisyon ng ina at sanggol bago, sa panahon at pagkatapos ng pagbubuntis.

79 na nagdadalan-tao ang dumalo sa aktibidad, kung saan tinalakay ang Maternal Neonatal Child Health and Nutrition, at inihatid ang iba’t ibang serbisyo tulad ng OB Consultation at check – up, dental services, nutrition counselling, laboratory services at pamamahagi ng buntis kit.

Sinuportahan din ang proyektong ito ng Batangas Medical Center at DOH Center for Health Development – CALABARZON. – Shelly Umali, PIO Capitol / Photo: Tingloy RHU

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.