BSU-Mabini, Community Hospital Nag-groundbreaking

1st Governor’s Cup Softball Championship, Simula Na
June 10, 2017
Ika-119 na Araw ng Kalayaan Ipinagdiwang sa Batangas Capitol
June 13, 2017

June 12, 2017

Naging saksi at panauhing pandangal si Gov. Dodo Mandanas sa magkasunod na groundbreaking ceremonies sa Munisipalidad ng Mabini, Batangas noong ika-8 ng Hunyo 2017 nang pormal na pasimulan ang pagpapagawa ng Batangas State University – Mabini Campus at Mabini Community Hospital.

Naging kasabay sa pagpapasinaya ng mga nasabing mahahalagang proyekto para sa bayan ng Mabini ang kaarawan ni Mayor Noel Bitrics Luistro.

Ayon kay Mayor Luistro, ang loteng pagtatayuan ng BSU – Mabini at community hospital ay donasyon ng mga taga Mabini, sa pangunguna ni Don Francisco Castillo. Ang 3-storey school building, na nagkakahalaga ng PhP 20M ay bigay ni Ginoong Stephen Yu.

Umabot sa halagang PhP 30.5 milyon ang inilaan sa mga nasabing proyekto ni Deputy Speaker Ranie Abu, at PhP 17M naman ang budget ng Mabini LGU. Nagbigay din ng donasyong PhP 20M ang Sea Oil Philippines na may gas depot sa nasabing bayan, at PhP 10M mula sa San Miguel Corporation, na may flour mill dito.

Tutulong naman ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, ayon kay Gov. Mandanas, sa magiging operasyon ng nasabing ospital sa pamamagitan ng pagbibigay ng 2 ambulansya, Batangas health cards para sa libreng pagpapagamot ng mga pasyente, at mga hospital supplies. Jenny Asilo Aguilera – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
2

Comments are closed.