BPDRRMO Chief, Nagbigay Ulat para sa Handa at Ligtas na Batangas

Drug Free Batangas, Pangunahing Paksa ng Provincial Anti-Drug Abuse Council
June 28, 2018
Batangueña Gymnast na Namayagpag sa Bangkok, Binigyang Pagkilala
July 2, 2018

A Resilient Batangas is Rich Batangas. Governor Dodo Mandanas together with the Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office staff, led by Mr. Lito Castro, after the presentation of their accomplishments and disaster and preparedness activities last July 2, 2018 at the Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City. Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

July 2, 2018

A Resilient Batangas is Rich Batangas. Governor Dodo Mandanas together with the Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office staff, led by Mr. Lito Castro, after the presentation of their accomplishments and disaster and preparedness activities last July 2, 2018 at the Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City. Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

Kaugnay ng pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month ngayong buwan ng Hulyo 2018, nag-ulat ang Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Chief, sa pangunguna ni Mr. Joselito M. Castro, ng mga accomplishments at kasalukuyang proyekto, kabilang ang mga paalala laban sa sakuna.

Ang PDRRMO ay naglalayong magtaguyod ng mga komunidad na handa laban sa sakuna tulad ng Climate Change, sa pakikipagtulungan sa mga ahensya at mga non-government organizations (NGO) at mahusay na pagtugon para sa tiyak na kaligtasan ng mga tao, kanilang kabuhayan at kapaligiran.

Una sa kanyang tinalakay ang mga accomplishments tungkol sa Three Thematic Areas na Prevention and Mitigation; Preparedness; at Response. Kaugnay nito, nagsagawa sila ng mga meetings na ginanap sa Lemery at Calatagan tungkol sa land use o tamang paggamit ng lupa, at site inspections sa Cuenca, Lobo, Calatagan at Mataas na Kahoy.

Nagkaroon din ng Management trainings, workshops, refresher at orientation na tumatalakay sa disaster risk reduction management, contingency planning, safety and security for tourists, forecast-based financing at radio laws and regulations sa mga bayan ng Taal, Laurel, Cuenca, Mabini, Tagaytay at Batangas City.

Kasama rin sa mga nabanggit ang deployment ng mga medical response units noong nakaraang holy week sa Monte Maria, Batangas City at Karera ng Bangka sa Mabini.

Bukod sa mga naiulat ay nagbigay rin sila ng isang pahatid kaalaman para sa ligtas at handa na mga gawain kapag mayroong kalamidad: kapag may bagyo, lindol, sunog at pagputok ng bulkan na inaasahang makatutulong sa pagliligtas ng buhay.

Isinusulong din ng Gov. Mandanas na maging departamento na ang BPDRRMO upang mas mapatibay at mapalakas pa ang paglilingkod ng nasabing opisina. “Mahusay ang pagpapaganap ng ating BPDRRMO, pati sa paghahanda, kailangan ay maging sustainable lang tayo,” dagdag pa ng gobernador. – John Derick Ilagan at Louise Mangilin – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.