BOC Batangas February 2019 collection tumaas ng 3.6%, umabot ng P11.3 Bilyon

Batangueño Mechanical Engineering topnotchers, pinarangalan sa Kapitolyo
March 11, 2019
Pamahalang Panlalawigan ng Batangas, Nakiisa sa Paglulunsad ng “Isang Dahon, Isang Dunong”
March 12, 2019

March 11, 2019

Nakapagtala ang Batangas Collection District ng Bureau of Customs (BOC) ng P 11.3 bilyon revenue collection nitong buwan ng Pebrero 2019, ayon sa Customs Finance Service Office.

Isa ang Port of Batangas, na nagrehistro ng 3.6% collection growth, sa 12 collection districts sa buong Pilipinas na nalampasan ang kanilang revenue targets ngayong Pebrero, kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

P 395 milyon ang tax collection surplus ng Batangas Customs port district, na direktang resulta ng wastong pagtatasa at pag-uuri ng taripa na ipinatutupad ngayon sa lahat ng mga port sa bansa.

Dahil dito, binigyang papuri ni BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero ang mga kawani ng ahensya dahil sa kanilang sama-samang pagsisikap upang maabot ang mga mandato ng kanilang tanggapan. Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.